And yet another hypertension-inducing election cheating modus that doomed Marcos VP hopes bared

Who would have a thought that an “ambiguous marks” could spell doom to Bongbong Marcos hope of winning the VP race in the 2016 election?

Well, that’s the latest exposé of election lawyer Glenn Chong on Facebook, triggering a tidal wave of angry emotions of netizens against the perpetrators.

Chong made the exposé on Facebook after the PET ruled that “printed Election Results” will be used in the Marcos-Robredo electoral protest.

Chong alleged this is unacceptable because the “printed election results” are suspect or tainted.

Please read the full post below for Chong’s explanation.

AMBIGUOUS MARKS: ISA PANG URI NG PANDARAYA

Ayon sa resolution ng PET, ang printed Election Returns na lamang ang gagamitin sa pasiunang paghiwa-hiwalay ng mga balota. May malaking kuwestiyun sa pontong ito.

Ang Election Returns o resulta ng halalan at ang Statistical Report o summary ng mga balota at boto ay parehong hango sa iisang dokumento lamang – ang ballot images o larawan ng mga balota na kinuha ng makina matapos ipasok ang balota ng botante sa VCM.

Ang nasa larawan ay Statistical Report mula sa Presinto 17040010 sa Bombon, Camarines Sur. Makikita sa expanded sections ng report na ito ang datos mula sa makina at ang mga paliwanag sa mga datos na ito.

Sa Vice Presidential contest, makikita natin na ang lahat ng boto na nabasa at nabilang ng makina (walang binoto + sobra ang binoto + lahat ng botong nakuha ng lahat ng kandidato) ay 667 lamang.

Pero ayon sa makina, 679 ang botanteng bumoto at 679 ang balotang ginamit sa botohan. Bakit 667 boto lamang ang accounted for ng makina. Nasaan ang 12 boto na dapat ay accounted for din ng makina?

Tingnang maigi ang Statistical Report. May nakalagay na ABSTENTIONS na 12 boto. Kung abstentions ito, ibig sabihin ay WALANG IBINOTO ang botante. Dapat doon ito nakalagay sa UNDER-VOTES dahil walang ibinoto. Pero bakit inilagay sa ABSENTIONS?

ANG TOTOO NITO, ito ay AMBIGUOUS MARKS o hindi klarong marka na hindi nababasa ng makina o hindi alam ng makina kung ano ito. Ang markang 5% hanggang 20% ng oval space ay magiging AMBIGUOUS MARKS.

PAANO ITO GAGAMITIN SA PANDARAYA?

Markahan ng maliit na tuldok (5% hanggang 20% ng oval space) ang oval ng mandarayang kandidato sa posisyon na gustong dayain bago ito umabot sa kamay ng botante. Kapag bumoto ang botante ng kahit sinong kandidato sa posisyon na ito maliban sa mandarayang kandidatong may maliit na tuldok (ambiguous mark) sa kanyang oval, hindi bibilangin ang boto ng botante para sa kanyang kandidatong ibinoto kahit pa buong bilog na hugis itlog ang minarkahan niya. Ito ay dahil may AMBIGUOUS MARK sa isa sa mga kandidato sa nasabing posisyon. Ang kalalabasan nito ay ABSENTIONS.

Pero kung ang mandarayang kandidato na may maliit na tuldok ang ibinoto ng botante, siyempre, mabubuo ang marka sa bilog na hugis itlog. Mabibilang ito para sa mandarayang kandidato dahil mawawala ang ambiguous mark sa oval ng kandidatong ito. Simple lang ang dayaan nila.

Ilang boto kaya ang nadale sa ganitong paraan? May 92,509 presinto ang bukas sa araw ng halalan. Sabihin na nating ang 12 sa presintong ito ay ang maximum at ang average ay 25% (Damn that 25%!) kada presinto, ito ay aabot sa 370,036 boto. Pwede ng manalo pagka VP!

Now you know!

Here are some of the netizen’s reactions on Facebook.

May Tupak They very well manipulated the election by this f**king syndicate, salamat atty glenn sa walang sawang pag pa abot ng balita tungkol sa panloloko ng mga syndicatong ito, more power to you God Bless you more

Randy Holiday Grabe. Sobrang dami na nitong ebidensiyang ipinapakita niyo atty. pero ano ang ginagawa ng kabilang kampo at mga taga suporta nito. Sinasadya na lang ba nilang maging engot, bahala nang maging tanga sila sa paningin ng majority masuportahan lang ang politikong gutom sa kapangyarihan at posisyon kahit hindi tunay na nagmamay ari neto. Ano to, ganito na lang ba ang lakaran dito sa pilipinas. Nakakahiyang tumira sa bansang puno ng kasinungalingan. Walang nang hustisya dito.

🙏😇 I ask God to be with you every step of the way whatever your actions are wherever you go atty. Glenn Chong. May God bless you always atty.

Jay B Esteleydes Grabe sila. Lahat na ng uri ng pandaraya ginawa nila. Salamat sir glenn chong.

Mavis-Dulce P. Foroszowski GRABEH TALAGA SA PANGDARAYA; DIYAN SILA MATALINO, PERO BOBO PA RIN DAHIL BUKING SILA SA PANDARAYA ! MARAMING SALAMAT ATTY GLENN. CHONG ! KAILANGAN KA NG TAONGBAYAN ! SMARTMATIC AND THE FRAUD OFFICIALS OF THE COMELEC SHOULD BE ABOLISH !

Add Comment