Atty. Chiong intensifies attack against Comelec Chairman Bautista by presenting new evidence of corruption as PCGG Chief?

Kung pati ba naman ang gasolina ay sinimot pa, ano na lang kaya ang totoong kinahinatnan ng ating halalan?

This is the assertion of Atty. Glenn Chiong in his latest Facebook post to argue his case that Andres Bautista is indeed guilty of enriching himself during his stint as Comelec chair.

Atty. Chiong anchored his argument on the COA report showing Bautista taking advantage of his position as the PCGG Chief.

Atty. Chiong argued that if Bautista would take advantage of the gasoline allowance as PCGG Chief, taking advantage of his Comelec position is by no means a stretch to the imagination.

Please read the post below.

PAG-ABUSO SA POSISYON – PATI GASOLINA SINIMOT PA

Ayon sa report ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), sa pahina 15 hanggang 16, si Andres Bautista, bilang Chairman ng PCGG ay nanilbihan din bilang direktor at pangulo ng BASECO at IRC Group, mga kompanyang nasa ilalim ng pangangalaga at hawak ng PCGG, mula 31 May 2012 hanggang sa magbitiw siya noong 4 May 2015 dahil inilipat siya sa Comelec bilang Chairman nito.

May 4 na sasakyang inisyu ang PCGG sa kanya pero naisauli ang lahat ng ito. Pero, ang 2 pang sasakyan na inisyu rin sa kanya ng BASECO at IRC Group ay hindi isinauli at patuloy na ginamit ni Bautista sa loob ng 14 na buwan habang siya ay Comelec Chairman na.

Ang BASECO ay nag-isyu sa kanya ng 2014 model na Hyundai Starex 2.5 Gold na patuloy na ginamit ni Bautista mula 28 April 2015 hanggang 27 June 2016. Sa loob ng 14 na buwan, gumastos ang BASECO ng P137,397.04 para sa gasolina ng sasakyang ito. Ang mga ebidensiya nito ay markado bilang Annex V-B-1 hanggang V-B-15.

Ang Mid-Pasig Land Development Corporation naman, isang kompanya sa ilalim ng IRC Group ay nag-isyu rin kay Bautista ng Toyota Hi-Ace Grandia na patuloy ding ginamit ni Bautista mula 28 April 2015 hanggang 27 June 2016. Sa loob ng 14 na buwan, gumastos ang Mid-Pasig LDC/IRC Group ng P95,984.87 para sa gasolina ng sasakyang ito. Ang mga ebidensiya nito ay markado bilang Annex V-C-1 hanggang V-C-15.

Dapat ay isinauli na ang mga sasakyang ito at itinigil na ang pagbayad ng gasolina rito noon pang 4 May 2015 nang magbitiw si Bautista sa PCGG na siyang may hawak ng BASECO at Mid-Pasig LDC/IRC Group. Hindi depensa para kay Bautista na nanilbihan pa rin naman siya sa gobyerno – sa Comelec – dahil nag-iisyu rin ang Comelec ng kanilang sasakyan para sa kanilang Chairman. Ibig sabihin, hindi nakuntento si Bautista sa inisyu ng Comelec sa kanya kaya hindi niya isinauli ang mga sasakyan ng BASECO at IRC Group.

Ang dokumentong nasa kaliwa ay markado bilang Annex V-C-1. Ito ang summary ng lahat ng ginastos ng Mid-Pasig LDC/IRC Group sa gasolina ng Toyota Hi-Ace Grandia. Ang gastos mula Item No. 28 hanggang Item No. 41 ay dapat isauli ni Bautista sa gobyerno.

Ang dokumentong nasa kanan naman ay Statement of Account mula sa Petron Fleet Card mula May 28, 2016 hanggang June 27, 2016 (summarized bilang Item No. 41 sa dokumentong nasa kaliwa) kung saan makikita na ang account na ito ay account ng PCGG para sa sasakyang Toyota Hi-Ace Grandia.

Kung pati ba naman ang gasolina ay sinimot pa, ano na lang kaya ang totoong kinahinatnan ng ating halalan?

Ito ay iilan lamang sa maraming ebidensiyang ilalabas sa impeachment trial ni Chairman Bautista.

Screenshots of the COA report…

Credits to Atty. Glenn Chiong

Your reaction?

Loading...

Add Comment