Atty. Chong says Comelec is deliberately delaying Marcos election protest to favor Smartmatic?

The ever tireless election reform lawyer in the person of Atty. Glenn Chong has made a fresh allegation against the Commission on Elections.

According to Atty. Chong, the Comelec body has deliberately sabotaged Marcos by posing another requirement that should set back the election protest by another seven months.

Chong feared that because of the delay, Smartmatic will return as the official partner of Comelec in the 2019 election.

Why is this so? Please read the post below for details.

SADYANG PINATAGAL NG COMELEC ANG DECRYPTION AT PRINTING DAHIL GUSTONG ILUSOT ANG SMARTMATIC ULI SA 2019

Ayon sa liham ng Comelec sa PET, aabot ng 7 buwan bago matapos ang decryption, printing, at authentication ng mga ballot images, reports at audit logs na laman ng 5,848 SD cards sa 3 pilot provinces sa protesta ni BBM laban kay Robredo.

Nagtalaga raw sila ng 10 laptops para sa decryption at 10 laptops naman para sa printing ng mga ballot images, reports at audit logs. Pero dahil kailangang i-authenticate o patotohanan muna ang mga ballot images, reports at audit logs, 40 SD cards lang ang matatapos bawat araw kaya aabot ng 7 buwan ang buong proceso.

Sa authentication process, kailangang pumirma ang kinatawan ng Comelec, PET, kampo ni BBM at kampo ni Robredo sa bawat isang printed ballot image, report at audit log. Dito tumatagal ng husto ang proceso.

Natandaan ko nang ako ay nagprotesta at humingi rin ng decryption at printing, hindi sumali ang aking kalaban. Kaya ang proceso ay para sa aking personal use lamang. 5 laptops lang ang ginamit namin noon at ang mga laman ng 366 CF cards ay na-decrypt at na-print sa loob ng 5 araw lamang. Nakakatapos kami noon ng 73 CF cards bawat araw dahil walang authentication process. Kung ganito lang sana kabilis ang decryption at printing sa protesta ni BBM ngayon, matatapos sana ito sa loob ng 2 buwan lamang at hindi 7 buwan.

Bakit nga ba kailangang pumirma ang kinatawan ni Robredo sa printed ballot images na binayaran ni BBM at para lamang sa kanyang personal use? Dapat walang pakialam at walang papel si Robredo sa procesong ito dahil hindi siya sumali at hinarang pa niya ito. At best, observer lang sila dapat at wala silang aktibong paglahok dito dahil ang procesong ito ay hindi para sa kanila.

Pero bakit kailangang ipa-authenticate pa ng Comelec ang bawat ballot images gayong hindi naman ito ginawa sa aking kaso at sa iba pang mga protestang nagkaroon din ng decryption at printing dati? Ito ay sinadya ng Comelec upang maantala ng husto ang decryption at printing. Kung maantala ito, matagal pa bago mahawakan ng kampo ni BBM ang mga ballot images, reports at audit logs. Matagal pa bago ito mabusisi ng husto at makita ang mga anomalya sa mga dokumentong ito.

In the meantime, habang hindi pa nahahawakan at nabusisi ang mga dokumentong ito, tuloy-tuloy ang pagluto ng kontrata para sa 2019 elections pabor sa Smartmatic. Kung wala pa tayong maipakitang anomalya gamit ang mga dokumentong ito, mahirap mapigilan ang pagwagi ng Smartmatic sa kontrata para sa 2019 elections.

Ang pinakamaagang panahon na makuha at mabusisi ng kampo ni BBM ang mga ito ay Enero 2018. Sa panahong ito, malamang kasado na ang kontrata pabor sa Smartmatic. Nagmamadali din kaya ang Acting Chairman ngayon na si Robert Christian Lim dahil matatapos na ang kanyang termino sa Pebrero 2, 2018. Kailangang maibigay ang kontrata sa Smartmatic bago siya umalis sa pwesto.

Kaya para walang haharang sa kanilang maitim na balak, sinadyang bagalan ng husto ang tanging paraan na maaring magamit natin laban sa binabalak nila.

Pero hindi tayo susuko. Gagawa rin tayo ng paraan upang sila ay hadlangan.

Your reaction?

Loading...

Add Comment