Atty. Glenn Chong quashes allegation of Duterte-Facebook alliance, says it’s a fight between mainstream media versus social media

Recently, the US-based news outfit MSNBC released a report accusing Facebook of helping the likes of Duterte, Trump and Putin in their respective political bids over closest rivals.

However, election reform lawyer Glenn Chong dismissed MSNBC’s allegation point by point via his latest Facebook post.

Chong said that it’s a fact that every player in the mainstream media have their own political and financial agenda.

He said it is easier to push one’s agenda in the mainstream media mainly because only a few people control a media outfit like the editors and they have the last say on what is published or not.

Meanwhile, Chong said that it is nearly impossible for Facebook to push their own agenda because they do not have control over the one billion users of the highly popular social media platform.

Chong cited the rampant election cheating wherein allegedly Smartmatic distributes “PR money” to silence negative PR against Smartmatic and Comelec while churning out news articles favorable to Smartmatic and the Comelec.

Meanwhile, Chong said Facebook and mainstream media are guilty of spreading fake news.

Chong cited the fake news that came out of the Robredo camp that the Supreme Court issued a statement that the 2016 election was clean which the mainstream media quickly picked up.

Chong said the Supreme Court never issued a statement to that effect.

You may read Chong’s Facebook post below.

MAINSTREAM MEDIA VERSUS SOCIAL MEDIA

Ito ay away sa pagitan ng mga players ng mainstream media at social media.

Ang nagpalabas ng report laban sa Facebook (social media) ay mga karibal nito sa advertising dollars, ang Bloomberg at MSNBC (mainstream media). Ipinapalabas ng report nila na ang Facebook ang may kasalanan kung bakit naluklok sa pwesto ang mga lider na hindi nila gusto tulad nila Presidents Trump, Putin at Duterte. Tinulungan diumano ng Facebook ang kampanya at propaganda ng mga liders na ito. At nakatulong din sa kanila ang paglaganap ng fake news sa social media.

Hindi natin maitatanggi na may kanya-kanyang political at financial agenda ang mga players sa media. Pero sa pagpush ng kani-kanilang agenda, di hamak na mas madaling i-push ito kung iilang tao lamang ang kumukontrol sa isang media outfit. Sa mainstream media, tulad ng TV, radyo at pahayagan, iilang editors lang ang may hawak o kontrol ng content o news na ipapalabas nila o anong twist/pagkiling ang gustong nilang ipalabas. Walang kontrol ang mga reporters dito. Dito pa lang, may prior restraint na sa content o pagharang bago mailathala ang news.

Sa social media naman, mahirap i-push ng Facebook ang kanilang agenda dahil hindi nila kontrolado ang mahigit isang bilyong accounts nila. Alam natin na malaya tayong magkapagpost dito sa Facebook ng kung anu-anong isyu, kahit ang mga walang kwenta, basta hindi lang ito labag sa patakaran ng Facebook. Kumbaga, tayo ang mga reporters mismo ng social media. Hindi tayo kinokontrol ng Facebook maliban na lamang kung irereport tayo, rightly or wrongly, dahil sa paglabag sa patakaran nito. Dito sa social media, walang prior restraint o pagharang bago mailathala ang posts natin.

Katunayan, sa isyu ng dayaan sa halalan (lalong-lalo na sa posisyon ng VP), Comelec at Smartmatic, maliban na lamang sa iilang maliliit na mainstream media outfits, karamihan sa hanay ng mainstream media lalong-lalo na ang mga malalaking outfits ay dedma lamang sa isyung ito. Hindi na ako magtataka dahil minsan, pagkatapos naming magpress conference ni Greco Belgica sa Manila Yacht Club noong November 2015, may isang reporter ng isang malaking pahayagan na lumapit sa akin at inamin niyang sobrang laki ng “PR money” ng Smartmatic. Ang “PR money” na ito ay pangsuhol upang patayin ang mga balitang hindi pabor sa Smartmatic at Comelec o di kaya ay magbigay papuri sa kanila hanggang sa langit. Kaya wala tayong masyadong naririnig mula sa mainstream media sa isyu ng dayaan, Comelec at Smartmatic.

Dito lamang sa Facebook at social media ninyo nakikita at nalalaman ang mga ebidensiya at impormasyon tungkol sa dayaan sa halalan, mga anomalya at monopoliya ng Smartmatic, at mga paglabag sa batas ng Comelec upang pagsilbihan ang amo nitong Smartmatic. Malaya tayong makapagpahayag tungkol sa mga isyung ito dahil hindi tayo nababayaran at hindi kinokontrol ng Facebook.

Sa ponto naman ng fake news, hindi eksklusibo ang fake news sa Facebook o social media lamang. Kahit mainstream media ay guilty rin ng pagpapakalat ng fake news. Aminin natin na mas marami ang fake news sa social media dahil nga walang kontrol ang Facebook sa mga accounts nila. Kanya-kanyang diskarte ang bawat isa sa atin dito. Pero hindi ibig sabihin na malinis ang mainstream media dahil walang fake news na lumalabas mula sa kanila.

Tandang-tanda ko pa ang fake news na ipinakalat ng kampo ni Robredo na ayon diumano sa Korte Suprema, walang bahid ang kredibilidad ng halalan noong 2016. Agad ipinakalat ito ng mainstream media outfits. Hindi nila binasa ang resolusyon ng Korte Suprema. Malinaw na walang sinabing ganito ang korte. Kahit halughugin man nila ang buong resolusyon, kahit isang kataga lamang, wala!

Sa away na ito ng mga players sa media, may gustong magmamalinis. At upang siraan ang Facebook at social media, bumunot ang mga nag-aakusa sa kanilang bag of dirty tricks ng mga characters na paboritong nilang gawing punching bag – Presidents Trump, Putin at Duterte. Di bale ng maging collateral damage ang mga lider na ito basta mai-push nila ang kanilang makasariling agenda.

Your reaction?