Atty. Glenn Chong shares thoughts why the bucks stop with General Carranza re slain security aide Red Santillan!

A furious Atty. Glenn Chong vented his ire on Facebook versus Chief Superintendent Edward Carranza after the General insisted the police operation that led to the de@th of security aide was legitimate.

According to Atty. Chong, Carranza tried and failed to cover-up his policemen during a press briefing on Tuesday.

During the press briefing, Carranza allegedly remarked that he invited Atty. Chong to meet but has been unsuccessful.

In the viral Facebook post, Chong said it only takes a screenshot of the text message he received from the emissary of General Carranza to destroy the script the General has been following.

Chong brushed aside Carranza’s statement during the press briefing that it was a standard police flag-down operation saying it has no legal basis.

Chong called the matrix the police has been feeding to the media allegedly connecting his slain security aide to criminal activities as n insult to the intelligence of Filipinos that any college students know how to create one.

Chong ended the FB post by saying that Carranza is defensive because the bucks stop with him.

THE BUCK STOPS AT GENERAL CARRANZA

Sa kasong pagtorture at pagpatay kay Richard Santillan ng mga kasapi ng kapulisan sa Calabarzon sa ilalim ni Police Regional Director Edward Carranza, nagtangkang pagtakpan ni Carranza sa isang press briefing kahapon ang kanyang mga kapulisan.

Isang bagay lamang ang aking kailangan upang masira ang buong script ni Carranza. Nakipagmeeting daw siya sa akin noong Sabado gamit ang kanyang classmate na kakilala ko bilang emissary. Tinawagan ko sila na pwede ako 3.30 ng hapon. Hindi raw pwede dahil 5.30 ng hapon pa si Carranza available. Tinanggihan ko dahil hindi ako pwedeng lumabas sa gabi dahil papatayin at mamamatay lang ako sa gabi. Pwede raw ba sa Lunes, 4.00 ng hapon sa Camp Crame. Hindi na ako sumagot dahil nakaschedule na ang forensic examination ng katawan ni Richard Santillan ng mga oras at araw na iyon.

Pinapalabas ni Carranza na “hindi ko pinaunlakan” at “tinanggihan” ang kanyang mga imbitasyon. Basahing maigi ang screenshot ng texts ng emissary ni Carranza – “sa Mon na lang daw kayo meet.” Hindi ako ang nagreschedule, si Carranza ang nagreschedule. Pero sa kanyang press briefing kahapon, pinapalabas niyang ako ang may kasalanan. Sadyang mapanlinlang ang kasinungalingan ng kapulisan!

Sabi ni Carranza sa briefing, may standard police flag-down operation. Kasinungalingan! Ayon sa aming ebidensiya, walang legal na basehan ang sinasabing flag-down operation ng kapulisan.

Sa dinami-dami ng sinabi ni Carranza, isa lang ang nanatiling malinaw – hanggang ngayon, 9 na araw na ang lumipas mula ng “pinaglaruan at pinahirapan ng husto” si Richard Santillan bago pinatay at sinetup sa kalsada, wala pang ni isang pahinang dokumento at ebidensiyang ipinakita si Carranza sa akin kahit pa pormal ko ng hiningi ang mga ito sa kanyang opisina.

Hanggang ngayon, ang cellphone ni Richard Santillan ay itinatago pa rin ng kapulisan. Ayaw itong ipakita at ibigay sa amin.

Nagtataka si Carranza sa registration ng sasakyan. Si Jo Ann Chong ay aking kapatid. At ang sasakyang ito ay bitbit at gamit ko dito sa Manila. Ang bilis mo namang mabitag. Akala ko ba ay police ito at marunong mag-imbestiga bago bumuka ang bunganga.

Kung totoong ginamit ni Richard Santillan ang aking sasakyan sa mga illegal activities, dapat ipakita ni Carranza ang mga eksaktong araw at oras kung saan nangyari ang mga aktibidad na ito. Meron ba siyang detalye? Wala. Matrix lang ang ipinakita. Kahit college student marunong gumawa ng matrix. Are you insulting our intelligence, General Carranza?

Matutuwa kaya si Carranza kung gagawan ko siya ng matrix at ilalagay siya bilang pinuno ng isang sindikato at gagamit ako ng mga larawan na galing sa social media?

But why is Carranza so defensive? He is defensive because the buck stops with him. Hindi maaring maisagawa ang ganitong operasyon laban sa walang kalaban-laban na si Richard Santillan kung hindi aprubado ng opisina ni Carranza.

Your comment?

Loading...

Add Comment