Bongbong Marcos cheated in Cebu? Evidence says so after it it was uncovered accidentally

In the election protest of Marcos versus Robredo, Marcos has asked the Presidential Electoral Tribunal to do a manual recount of the 3 provinces namely: Negros Oriental, Camarines Sur and Iloilo.

However, if election reform activist Atty. Glenn Chong is to be believed, Marcos should likewise request for a manual recount of the votes in Cebu.

Why? According to the evidence uncovered by Atty. Chong, Marcos was cheated in Cebu City.

The alleged cheating was inadvertently uncovered when the Comelec decided to check the VP race while there is an ongoing election case between Cebu City Mayor Tomas Osmena and Michael Rama.

So without further adieu, let us read together the post of Atty. Glenn Chong below.

SABWATAN NG COMELEC AT DILAWAN

Una sa lahat, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat kina Sir Jojo Robles, ThinkingPinoy, Sass Rogando Sasot, at sa inyong lahat na naniwala, nagtiwala at sumuporta sa akin. Malaking bagay po ito para sa akin at sana, balang araw, masuklian ko rin kayo. Hindi nga lang maaring pangunahan natin ang ating Pangulo. Kung sinuman ang itatalaga niya sa Comelec, igalang natin ang kanyang desisyon.

Kung gaano man po kalakas ang pagpakita ninyo ng suporta, ganun din kalakas ang kaba ng mga dilawan sa loob ng Comelec at sa social media. Matapos magbitiw at ma-impeached si Chairman Bautista, pinirmahan agad ng mga dilawang commissioners ang resolusyon na pakakasuhan ako. Ito ay gagamitin nila upang siraan ako dahil takot silang makapasok ako sa kanilang lungga. Wala ng magkakapera. Walang ng makakapandaya. Kaya ngayong araw o sa susunod na linggo, ilalabas nila ang nasabing resolusyon. Saka ko na lang ilathala dito ang kanilang mga maniubra, drug connection at mga texts ng kanilang bastonero o “cheerleader.” Paunahin ko na lang muna sila.

At para naman sa mga trolls ng dilawan, hindi ko sila babanatan ng personal dahil sa kanilang mga paninira. Ang kanilang amo at kasabwat nito ang babanatan ko.

Ang Random Statistics Report na ito ay mula sa Cebu City. Binuksan ang mga balotang ito sa kasong Rama versus Osmeña na nakabinbin ngayon sa Comelec. May 837 presinto sa buong siyudad pero 40 presinto lang ang nakalista sa unang pahina ng nasabing report. Bagaman ay posisyon ng mayor ang saklaw ng protesta, sinilip ng mga revisors ang mga boto sa vice-president.

Sa 40 presinto na ito, 16 o 40% ang mali-mali ang pagbilang sa vice-president. Binawasan si BBM ng net 53 votes habang binawasan naman si Robredo ng net 13 votes sa 16 presinto na ito. Ang net difference ng dalawang kandidato ay 40 votes (53-13) pabor kay Robredo. Kung merong 837 presinto sa Cebu City at 40% nito ay mali ang bilang, aabot ito sa 335 presinto. Aabot sa net 838 votes ang maaring kinaltas kay BBM sa Cebu City pa lamang. Hindi pa natin pinag-uusapan ang natitirang 91,672 presinto sa buong bansa.

HIGHLIGHT: Sa Line 29, Brgy. Guadalupe, Clustered Precinct 551, ang boto ni BBM ay binawasan ng 2 votes (94 votes ayon sa makina pero 96 votes ayon sa mano-manong bilang) habang ang boto naman ni Robredo ay dinagdagan ng 15 votes (216 votes ayon sa makina pero 201 votes lamang ayon sa mano-manong bilang).

Originally, naka-schedule ang pagbukas ng mga balotang ito 1 linggo (June 2017) bago ang deadline ng pagsumite ni BBM ng listahan ng 3 pilot provinces sa kanyang protesta. Napag-isipan siguro ng Comelec na baka masilip ang posisyon ng vice-president kapag buksan na nila ang mga balota bago ang deadline ni BBM. Kaya inilipat ang pagbukas ng mga balotang ito 1 linggo matapos ang deadline ng pagsumite ng 3 pilot provinces.

Ibig sabihin, minaniubra ng Comelec na hindi malaman ng kampo ni BBM ang mali-maling bilang ng mga boto sa Cebu City upang hindi ito maisama sa pilot provinces kasi kung maisama ito, tiyak makikita kaagad ang maling bilang at magkakaroon ng sufficient recoveries ng boto si BBM at matitiyak ang pagpapatuloy ng protesta. Ayaw kasi ng Comelec na mabuksan ang mga balota dahil mabubuking ang kanilang ginawang dayaan.

Ito ay isang malinaw na patunay ng sabwatan ng Comelec at dilawan dahil pumabor kay Robredo ang maniubrang ito ng Comelec.

Credits goes to Atty. Glenn Chiong

Your reaction?

Add Comment