Bongbong Marcos scores another win over Robredo after electoral tribunal dismissed another Comelec attempt to torpedo Marcos protest

Pathetic! Instead of cooperating with the electoral tribunal to speed up the election protest of Marcos versus Robredo, Comelec appears to do the contrary.

Well, this is according to the revelation of Atty. Glenn Chong in his latest Facebook post.

According to Chong, Comelec filed a resolution before the PET asking Marcos to pay for the storage fees of ballot boxes and election paraphernalias stored in embassies and consular offices from different parts of the globe.

However, the electoral tribunal disagrees with the Comelec and instead ordered Comelec to shoulder the expenses instead.

You may read the post below.

MANIUBRA NG COMELEC LABAN KAY BBM IBINASURA NG PET

Ibinasura ng PET sa isang resolusyon ang tangka ng Comelec na papagbayarin si BBM sa storage fees ng mga ballot boxes at election paraphernalia na nakaimbak ngayon sa mga embahada at konsulado (foreign posts) sa ibang bansa dahil diumano sa protesta nito.

Sa sulat ng Comelec sa PET noong Hulyo, hiniling nito na kolektahin kay BBM ang storage fees na hiniling ng mga foreign posts ng Pilipinas sa Seoul, Brasilia, Berne, Mexico, Washington D.C., Yangon, Manama, Tehran, Chicago, San Francisco, Beijing, Xiamen, Jeddah, Rome, Bangkok, Milan, Nairobi, Ottawa, Hongkong at New York.

Ang Consulate General sa Hongkong ay humingi ng HK$90,000.00 o katumbas ng P595,000.00 habang ang Consulate General naman sa New York ay humingi ng US$24,678.50 o katumbas ng P1,270,000.00. Sa 20 foreign posts na ito, mahigit-kumulang 10 milyong piso ang aabutin ng storage fees.

Ayon sa PET, ang Comelec dapat ang magbayad sa storage fees at incidental expenses na ito dahil kasalanan ng Comelec na hindi nila ito kinuha o ipinadala pabalik ng Pilipinas gayong hindi naman sila pinagbabawalan ng PET at ni BBM.

Dagdag pa ng PET, walang hadlang upang kunin ng Comelec ang mga ballot boxes at election paraphernalia mula sa mga foreign posts at ilipat sa Comelec main office dito sa Manila. Ang kailangan lang nila upang maisagawa ito ay magbigay alam sa PET. Ginawa naman nila ito sa ibang kaso at pagkakataon dito mismo sa Pilipinas. Sulat lang ang ibinigay nila at pinayagan naman ng PET. Nagtataka ngayon ang PET kung bakit hindi humingi ng pahintulot ang Comelec sa kanila na ilipat ang mga ito mula sa mga foreign posts at sa halip ay hinayaang lumubo ang storage fees.

Hindi makatarungang ipasa kay BBM ang mga gastos na ito, ayon sa PET, dahil hindi naman niya hiniling na pigilan ang Comelec na ibalik dito sa Pilipinas ang mga ballot boxes at election paraphernalia. Kung ginawa lang sana ng Comelec ito, hindi sana gagastos ang gobyerno sa storage fees na ito.

MALINAW na isa na namang maniubra ito ng Comelec upang lumaki ang gagastusin ni BBM sa kanyang protesta. Lahat ng hadlang ay gagawin at gagamitin nila huwag lang silang mabuking. At sa kanilang masamang hangarin, pera ng bayan ang nilustay!

Credits to Atty. Glenn Chong

Your reaction?

Loading...

Add Comment