Can Grace Poe be unseated as a senator? Lady lawyer says it’s possible but she sounds pessimistic. Read why!

You can’t blame the public if there are rumblings on social media, wishing the senator get the boot for refusing to cooperate with the Duterte government of fixing Metro Manila traffic by nixing request of emergency powers.

Can Grace Poe be removed from her senate seat?

Lawyer Trixie Cruz-Angeles talked about it on her 12 September 2019 FB post.

Angeles said any civil servants can be fired from his or her job.

Poe can be removed by electoral protest or quo warranto. Additionally, her senate colleagues can file an ethics case against Poe.

But here’s the bad news. No senator or congressman has been removed from office via ethics case since 1986.

You may read Trixie Cruz-Angeles full FB post below.

Maraming nagtatanong, paano ba raw tatanggalin si Grace Poe bilang senadora.

Lahat ng mga civil servants, may paraan para matanggal sila. Iba ibang levels nga lang ng difficulty.

Kapag contracted service ka, may endo. Kaya tuwing matatapos ang six month period, hindi alam ng mga ito kung may trabaho pa sila.

Kapag regular plantilla, kailangan may cause para tanggalin. So pwedeng ireklamo ng sino mang may personal knowledge. O pwedeng umpisahan sa ahensya mismo ng empleyado o opisyal.

Kapag presidential appointee, you serve at the pleasure of the president. Kung umayaw ang pangulo, kahit walang dahilan, out ka agad.

Kapag mga mayor, governor, konsehal etc., for cause rin, dadaan yan usually either sa Ombudsman o sa Civil Service Commission. Meron di pong recall elections.

Kung impeachable officer ka, impeachment, syempre.

Meron ding quo warranto, kung may kwestyon sa qualipikasyon, election protest kung may kwestyon sa pagkapanalo.

Pero ang senators at congressmen… special sila. MaTatanggal lang sila sa pwesto (barring quo warranto o electoral protest) ng kanilang mga kasamahan sa kongreso o senado. At ang paraan na ito ay usually, sa ethics case.

Ngayon, ang last time may natanggal na legislator ay nuong panahon ni Cory Aquino, nung House Speaker si Ramon Mitra. Ang isang congressman ay nahuling nag smuggle ng mga baril sa NAIA. Nahatulan na ng hukuman, kaya’t bago siya inaresto umariba na ang Kongreso na tanggalin siya through an ethics case. Bago pa nangyari yon, nag resign siya.

Naaalala ninyo yung kaso ni Sen. Trillanes sa senado? Yng sinampa ni Sen. Gordon? Partida yan, kasi kapwa senador na ang nagsampa.

Pero wala pa rin.

General rule, walang senador o congressman ang natatanggal sa pwesto since 1986, ng dahil sa ethics case. Tignan nyo nga si Leila Delima, senadora pa rin, di ba?

Your comment?

Source: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan

Loading...

Add Comment