Did Atty. Glenn Chong just reveals the people behind the election fraud that cost Bongbong Marcos VP post?

The election protest of Bongbong Marcos versus Leni Robredo is getting more interesting after Atty. Glenn Chong’s viral post resulted in a heated verbal exchange between him and a former Comelec Chairman.

Former Comelec Chairman Atty. Sixto Brillantes responded to allegation of election cheating in Cebu by posting a long comment dismissing the allegation as nothing but an attempt to muddle the issue since Cebu City or Cebu are not included in pilot precincts put under protest by Marcos.

In addition, Brillantes accuses of Atty. Glenn Chong of ballot stealing.

In case you’re wondering, the feud between Brillantes and Chong did not start after yesterday’s viral Facebook post of Atty. Chong, but goes a long, long way back.

Let us allow the screen grab of the comment of former Comelec Chair Brillantes do the talking, to give us an idea of the beginning of their feud.

On Facebook, Chong taunted Brillantes by telling him that he had fallen for the traps that he intentionally set up to establish the connivance of the Liberal Party and the Comelec denying Bongbong Marcos the VP in the 2016 election.

And now, let us read the rebuttal of Atty. Glenn Chong in former Comelec Chairman Brillantes’ comment regarding the allegation of election irregularities in Cebu City.

NABITAG SI DATING CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR
(Ang Random Statistics Report Mula sa Cebu City Kung Saan
Nabawasan ng Boto si BBM ay Galing Mismo sa Kanya)

My Dear Mr. Chairman,

Ginagalang kita ha, bilang nakakatanda.

Expected ko na talaga na hindi makakatiis ang bastonerong nag-uudyok sa mga dilawang commissioners ng Comelec na kasuhan ako. Sinadya ko talaga ang mga katagang ito – “drug connection” at “mga texts ng kanilang bastonero” – na ipasok sa post ko kagabi bilang patibong dahil gusto kong mapatunayan kung kayo nga ba talaga ang nagpadala ng mga texts sa kasama ko na inaakusahan mo rin. Ipinapahiwatig ninyo doon sa texts na gusto ninyong makipag-ayos sa kanya pero ang kapalit pala ay idiin ako. Ura mismo tinangihan kayo. Basahin ninyo uli ng maigi ang inyong comment. May isang kataga diyan na sinulat ninyo na magpapatunay na ako talaga ang target ninyo (Comelec at Smartmatic), wala ng iba, at kayo ang nagpadala ng mga texts na iyon. Nahulog kayo sa bitag, chairman!

Sa totoo lang, dalawang bitag ito chairman. Nahulog po kayo ng dalawang beses. Di ko na po sabihin kung ano yung isa dahil… secret!

Noong naghearing tayo sa Senado, dumaan kayo sa likod ko at nagparinig na “may ipapakulong ako ngayon.” Ako yun dahil mag-isa lang akong naiwan sa upuan ng magbreak ang hearing. Sa sumunod na hearing, isinumbong kita sa committee na binantaan ninyong ipapakulong ako. Tinanong kayo ni Sen. Pimentel kong totoong nagbanta kayo. Tumanggi kayo pero may pahabol at sabi ninyo “baka totohanan ko na ho.” May record ako nito, chairman.

Dalawang buwan ang lumipas, nahuli sa entrapment operation ang inyong star witness laban sa amin na nagbenta ng sasakyan gamit ang palsipikadong OR at CR. Kinasuhan ng Manila Police Department. Tumakbo sa inyo, tinanggap ninyo na parang hulog ng langit at ginamit laban sa amin. Pero bago pa man nito, nagbebenta na rin ito ng droga sa mga kulungan at ilan na rin ang nabiktima ng swindling ng taong ito. Pinaalam namin ito sa inyo pero sarado ang isip ninyo dahil nga gusto ninyo akong ipakulong upang tumahimik at tuloy-tuloy na ang ligaya ng sindikatong Comelec at Smartmatic.

Hindi ninyo maitatanggi na dilawan talaga kayo. Dinala ninyo ang taong ito kay dating Justice Secretary Leila De Lima, isa ring dilawan, upang ipasok sa Witness Protection Program. Ngayon, pumirma agad ang mga dilawang commissioners sa resolusyon na kasuhan kami gamit ang drug peddler na ito. Bakit nga ba kapag droga, nagkakaisa ang mga dilawang ito?

Hindi muna kita kinakasuhan ngayon chairman dahil nga nag-aantay akong unahan ninyo ako. Malay mo, may patibong na naman ako sa inyo. Kapag nahulog uli kayo sa aking bitag, ewan ko lang kung ano na po ang tawag sa taong tatlong beses nang nabitag.

At sa mga tuta po ninyong dilawang commissioners sa Commission From Elections, paalalahan ko lang po sila. May naghahanda ng impeachment complaint na isasampa sa kanila dahil sa kanilang kasalanan sa isyu ng senior citizen’s partylist. Isama ko na rin siguro ang isyu ng pagkupkop ng isang drug peddler. Betrayal of public trust ito at may personal knowledge pa ako. Baka sumunod silang lahat kay Chairman Bautista. Ubos ang mga dilawan sa Comelec. Wala ng masasandalan si Robredo at Smartmatic.

Ngayon, sa isyu ng pagbawas ng boto kay BBM sa Cebu City. Mali nga ang bilang ng mga makina at nabawasan si BBM ng boto. Malinaw ito. Kung totoong law firm ninyo ang abogado ni Mike Rama, pinasilip ninyo sa mga revisors ang boto sa VP, at hawak ninyo ang mga dokumento (sinabi ninyo ito sa comment ninyo), isa lang ang ibig sabihin nito… ang Random Statistics Report sa Cebu City na kumalat ngayon ay… galing mismo sa inyo! Nabitag na naman po kayo. Pangatlong beses na po ito!

Naku, lagot kayo kay Robredo at sa pinakamamahal ninyong Smartmatic! Kayo mismo ang nagbuking sa kanila.

Hindi katawatawa ang pagpalabas ko sa Random Statistics Report. Kung basahin ninyo muli ang title ng post ko – Sabwatan ng Comelec at Dilawan – malinaw ang sinabi ko na tinulungan ng Comelec si Robredo nang ipagpaliban nito ang manual recount sa Cebu City na naka-schedule sana 1 linggo bago ang deadline ni BBM na magsumite ng 3 pilot provinces dahil ayaw nilang masilip at malaman ni BBM na mali nga ang bilang ng mga boto sa VP sa Cebu City. Kung nabuksan at nasilip ang mga balota ayon sa original schedule ng manual recount, tiyak isasama ni BBM ang Cebu sa pilot provinces upang makita agad ng PET ang maling bilang. Dahil nagsabwatan ang Comelec at dilawan, ipinapaliban ang manual recount 1 linggo matapos ang deadline. Kaya hindi naisama ang Cebu bilang pilot province. Ito ang buod ng sabwatan nila. Gets?

Panghuli, chairman, ang pagtitiwala ng isang tao ay pinagpapagurang makamit, hindi po ito dinidikta tulad ng sinabi ninyo sa hulihang bahagi ng comment ninyo. Kung kaya po ninyo, tara, humarap tayo kay BBM. Ipresenta natin sa kanya ang magkasalungat na ponto at posisyon natin. Hayaan natin siyang humusga kung sino ang paniniwalaan niya. Handa ako anumang oras. At kung matalo kayo, akyat tayo kay Pangulong Duterte. Doon tayo magkarambola. Bitbitin na po ninyo ang sinumang gusto ninyong bitbitin.

Balik po kayo rito sa page ko bukas, chairman. May isusulat ako. Baka maintindihan na po ninyo kung bakit malalim ang pinaghuhugutan.

But friendly reminder, mag-ingat sa bitag. Baka mag-grandslam na po kayo!

Previously, Chong alerted social media of the election cheating in Cebu City, allegedly perpetrated by the Liberal Party in collusion with Comelec. You may check the link here for your guidance.

Your reaction?

Loading...

Add Comment