Did Comelec Chairman Bautista resigns from post to avoid the embarrassment of getting impeached by Congress?

In the midst of the euphoria following the news that Comelec Chairman Bautista is leaving his post, the social media has been abuzz with theories speculating the real reason for quitting.

However, the Facebook post of Atty. Glenn Chiong offering an explanation of Bautista’s resignation has been gaining traction on social media.

Chiong is an n election reform activist who has been calling for Bautista’s resignation since the latter’s wife came out to accuse her husband of corruption.

MAARING DAHILAN NG BIGLAANG PAGBITIW NI
COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

Ayon sa aking bubuwit, ang dahilan ng biglaang pagbitiw ni Chairman Bautista kaninang umaga ay dahil mamayang hapon, sa katapusang araw ng sesyon ng Kamara bago magrecess ito, babaligtarin ng plenaryo (kabuuang kapulungan) ang resolusyon ng Committee on Justice na nagbasura sa impeachment complaint laban kay Chairman Bautista. Kaya inunahan na niya upang hindi siya ma-impeached ng Kamara.

Ayon sa Section 11, Rule III ng Rules of Procedure in Impeachment Proceedings, kung ipapabasura ng Justice Committee ang isang impeachment complaint, kailangang magsumite ang komite ng isang resolusyon sa plenaryo (kabuuang kapulungan) upang pormal na ibasura ang impeachment complaint. Kung aaprubahan ito ng mayoriya, tuluyang ibabasura ang impeachment complaint. Pero kung 1/3 ng lahat ng miyembro ng Kamara o 98 miyembro ang hindi papayag sa resolusyon na ibasura ito, hindi na ibabalik ang impeachment complaint sa komite. Wala ng mga hearings pa sa komite. Agad na gagawin ng Justice Committee ang Articles of Impeachment at ipadala sa Senado upang simulan agad ang paglilitis. Ibig sabihin, kung babaligtarin ng 98 miyembro ang resolusyon ng komite na ibasura ang impeachment complaint, na short-cut ang buong proceso.

Nasira ang script ng sindikato.

Hindi man ako relihiyoso pero malinaw para sa akin ang paggalaw ng makapangyarihang Diyos ng kabutihan. Sa panahon na dismayado ang lahat sa balitang ibinasura ang impeachment complaint laban kay Bautista, somehow, kahit papaano, nanaig pa rin sa huli ang panig ng kabutihan laban sa kasamaan.

Dito naman sa lupa, may isang taong gusto kong pasalamatan ng lubos higit sa lahat – si Pangulong Rodrigo Duterte. Pitong mahabang taon na po akong nakipaglaban para sa tao at bayan. Hindi ko na maipangako sa aking sarili at sa mga kasama ko na magpapatuloy pa ako sa labang ito sa gitna ng lahat ng kahirapang dinanas ko at ng mga kasama ko upang malinis ang ating halalan. Election after election, palaging nanalo ang sindikato. Halos nawalan na rin kami ng pag-asa. Pero sa araw na ito, si Pangulong Duterte ang ating hero.

Hindi ako nagkamali sa aking taimtim na paniniwala na si Pangulong Duterte lamang ang makapagbibigay sa atin ng totoong pagbabago sa isyung ito.

Ayon pa sa isang pang bubuwit, may ipinatawag at pinagalitan ng husto si Pangulong Duterte sa loob ng palasyo. Kung sino man ito, natitiyak kong mahuhulaan ninyo ng tama kung sino.

Your reaction?

Loading...

Add Comment