SHARE: Doc Willie Ong issues health advisory amidst Dengvaxia dengue vaccine scare. Must read!

As panicked parents of schoolchildren looks for answers following the dengue vaccine scare, a timely health advisory from Doc Willie Ong surfaced online.

Whether your child was inoculated with the Dengvaxia vaccine or not, this Facebook post from a respected and celebrity doctor is highly appreciated for its educational value.

In the long post, Doc Ong answered six relevant questions of the public regarding Dengvaxia dengue vaccine, including the pros and cons of getting your child inoculated.

Credits Doc Willie Ong.

Credits Doc Willie Ong.

Dr. Ong writes:

Health Advisory ni Doc Willie Ong: PAKI-BASA po Hanggang Dulo bago mag-komento.

ISYU sa Dengue Vaccine (Dengvaxia): Paki-Share at Tag po.

“Walang Blood Test (Dating Infection), Walang Bakuna” (Recommended as of November 30, 2017)

Note 1: Kaibigan, MALALIM po ang isyu pero ipapaliwanag ko ng pinaka-simple at malinaw. Katulad ng maraming isyu sa medisina, WALA pong simpleng Tama or Mali. Nasa pag-iisip, pagsusuri at minsan pag-darasal para malaman ang tamang gamutan. Ito ang tinatawag na CLINICAL JUDGMENT ng mga doktor.

Note 2: Nililinaw ko na ang LAYUNIN namin ay 100% para sa kabutihan ng kababayan natin. Wala po akong kahit anong interes sa Kita o Pansarili dito. Para ito sa kapakanan ng mga magulang, pasyente at ating bayan.

Heto ang pangyayari:
Naglabas kahapon ng Advisory ang Sanofi, ang kompanya na gumawa ng Dengvaxia, ang kauna-unahang Dengue Vaccine. Ayon sa Sanofi advisory, lumabas na ang resulta ng 6 na taong pag-aaral sa naturang bakuna. Base sa bagong resulta nitong November 29, 2017:

1. Hindi dapat ibigay ang bakuna sa mga batang HINDI pa nagkakaroon ng dating Dengue infection. Baka makasama ito.
2. Pero may BENEPISYO ang Bakuna sa mga batang may Dati nang Dengue Infection, at edad 9 pataas.
3. Malalaman lang kung may dating Dengue infection sa pamamagitan ng isang Blood Test (serological testing) sa mga ospital. May kamahalan ito.
4. Ang ibig sabihin nito: Kung gusto ninyong magpabakuna sa Dengue vaccine sa inyong Pediatrician, DAPAT ay may Blood Test muna ang bata at maging positibo muna siya sa dating Dengue infections.
5. Kung hindi tiyak kung may Dengue dati, ay HUWAG muna magpa-bakuna. Dahil posibleng makasama lang ito.

Medyo komplikado di ba? Pero iyan talaga ang sitwasyon sa ngayon sa bakunang ito. Hindi tulad ng ibang bakuna na LIGTAS ibigay sa lahat ng tao.

Timeline: Bago po magsisihan at gumawa ng kanya kanyang konklusyon, heto po ang TIMELINE (Oras) ng pangyayari.

1. Noong December 2015, bumili ang DOH ng Dengvaxia para ibigay ng libre sa mga Pilipino. Hindi pa malinaw ang side effects noong panahon na iyon. Mayroon na nag-question kung kailangan ba ang bakuna o hindi, dahil nga BAGO pa ito at may kamahalan.
2. Noong April 2016, nagsabi ang World Health Organization (WHO) na PUWEDE ibigay ng mga bansa itong bakuna, BASTA may 90% ng populasyon ay may dating Dengue Infection na. Sa Pilipinas, depende sa lugar, may mga Regions na umaabot sa halos 90% ang may dating dengue infection. Kaya ito binigay ng DOH kahit walang Blood Testing.
3. Ngayong November 29, 2017, naglabas na mismo ang Sanofi drug company, na base sa RESULTA ng bagong pagsusuri nila, KAILANGAN na ng Blood Testing (evidence of past dengue infection) bago ibigay itong bakuna. Para siguradong ligtas ang mga batang babakunahan.
4. Kaya ngayong November 30, 2017, AGAD akong SUMULAT ng Health Advisory sa inyo, para sa kaalaman ng LAHAT ng Doktor, Pasyente, Magulang at Gobyerno din. Ayaw nating MAHULI ang Pilipinas sa bagong kaalaman.
Sagot sa Tanong base sa aking pagsusuri: (Puwede maging iba ang sagot ng ibang eksperto).

1. Bakit ba binigay yang bakuna kung makasasama naman pala sa tao?

Sagot: Sa karamihan ng tao na may dating dengue infection, MAKAKATULONG ang Dengvaxia para makaiwas sa komplikasyon ng Dengue. May benepisyo ito. Pero sa mga 10-20% ng Pilipino na wala pang Dengue infection, posible na makasama ito kung sakali na tamaan sila ng Dengue balang-araw.

2. Mayroon ba dapat managot sa nangyari? Sino ang may kasalanan?

Sagot: Mahirap sagutin. Pero para sa akin ay November 29, 2017 pa lamang lumabas ang RESULTA ng pag-aaral na makasasama ang bakuna sa mga batang wala pang dating dengue. Mayroon nang konting HINT dati na posible itong makasama, pero dahil sa WHO statement noong April 2016, na puwede itong ibigay ng bansa base sa kanilang pagsusuri (judgment). Mahirap din kumontra sa WHO statement nang wala tayong sapat na ebidensya.

3. Paano na ang mga nabakunahan nitong Dengue Vaccine? Ano na ang gagawin ngayon?

Sagot: Kung nabakunahan ang iyong anak sa naturang Dengue Vaccine, ay wala naman dapat gawin sa ngayon. Pero kung sa aking opinyon, ay hindi ko na itutuloy pa ang mga susunod na bakuna. Kailangan may blood test muna. Karamihan ng mga nabakunahan (80-90%) ay may benepisyo naman ang bakuna. Pero yung 10-20% na wala pang Dengue dati ang dapat mag-ingat na huwag tamaan ng Dengue. Iwas na makagat ng lamok.

4. Ano ang puwede gawin ng DOH sa mga bakuna na nabili na nila?

Sagot: Kung sa aking mungkahi bilang public health doctor, dapat ay itigil ang pagbigay ng Dengue Vaccine. Hindi naman kaya ng gobyerno na ipa-TEST pa ang lahat ng bata sa Blood Test, bago sila bakunahan. Mahal at magkukulang ang Testing Kits kung para sa buong bayan. Hindi na ito sulit (cost-effective). Mas sulit pa na maglinis ng bakuran para mabawasan ang mamamatay sa Dengue.

5. Paano na tayo iiwas sa Dengue infection, kung ayaw natin itong Dengue Vaccine (Dengvaxia).

Sagot: May pangalawang Dengue Vaccine na pinag-aaralan. Ang Takeda brand ng Dengue Vaccine ay umabot sa 18 months na pag-aaral. Nakita na ang bagong Dengue Vaccine nila ay epektibo sa mga batang may Dating Dengue infection at WALA pang dengue infection. Pero huwag tayo masyado excited. Maghihintay pa ng ilang TAON para MAKASIGURO na ligtas ito at walang side effects na lalabas sa katagalan.

Tandaan: Ang pag-iwas sa kagat ng lamok ang pinaka-mabisang paraan para makaiwas pa rin sa Dengue.

6. Dapat bang magpabakuna sa ibang sakit tulad ng Tigdas, MMR, Polio, Flu at iba pa?

Sagot: Oo. Dapat magpabakuna sa Regular Vaccines na binibigay ng DOH. Matagal na ang mga bakunang iyan at SUBOK na at epektibo. Tulad ng Polio vaccine na halos MAAALIS na ang sakit na Polio sa buong mundo. Kakaiba lang ito sa naturang dengue vaccine dahil nga bago pa ito.
God bless po sa lahat ng ating followers. Sana po ay MABASA ninyo maigi at maintindihan ang aking paliwanag.

– Doc Willie Ong
– Doc Liza Ramoso-Ong

Source: SANOFI

Please share!

Loading...

Add Comment