Dr. Willie Ong slams COMELEC: “Bakit pinag iinitan ang ginagawa ng mga bagong kandidato?

Senatorial candidate Doc Willie Ong has taken to Facebook, accusing Comelec of going hard against newcomers like him while showing leniency to oldtimers.

Ong cited the the poll body’s lukewarm attitude towards candidates spending millions on TV ads while imposing unreasonable guidelines on Facebook, that newcomers like him are trying to make the most of for lack of funds.

Ong remarked that COMELEC should focus on regulating the traditional campaign materials used by rich candidates like tarpaulins instead of trying to control the senatoriables who wants to use Facebook to advertise themselves.

Check out Ong’s full post below.

Comelec Press Releases:
Hindi ko talaga maintindihan ang nais ninyo?

Maraming payo ang Comelec sa kandidato ang hindi ko maintindihan talaga. Tulad ng:

1. Bawal daw mag-salita sa mga graduations. Pati ba conventions, meetings at flag ceremony ay bawal din? Eh iyan lang ang LIBRE sa mga bagong kandidato eh?
2. Ang poster dapat maliit lang at limitado din. Eh yan lang ang mura at kaya ng kandidato dahil 25 pesos ang isang poster.
3. Sa Facebook, babantayan daw nila ang sponsored posts. Eh 40 pesos lang ang isang sponsored post.
4. Sa Facebook, babantayan daw ng Comelec ang lahat ng pages ng Influencers at artista. I-Register daw lahat ng FB pages. Wala naman akong Influencer na ginagamit ah. Ako lang.
5. Sabi pa ng Comelec, huwag daw maniwala sa Facebook surveys dahil peke ito at ang nangunguna daw sa FB surveys ay isang “relatively unknown”. Dapat daw ay sa private surveys lang maniwala.

Haay, grabe na talaga? Paano mo naman dadayain ang Facebook computer. Sige nga…

Kawawa talaga ang bagong kandidato sa patakaran ngayon ng Comelec.
Ang tanong ay ISA lang:

Bakit hindi Bantayan ng Comelec ang DAAN-DAANG MILLION na ginagastos sa TV Ads.
At pinag-iinitan pa ang maliliit na ginagawa ng mga bagong kandidato?

Ano LABAN ng isang POSTER sa 100 Million na halaga ng TV Ads. Hindi ba ang GOAL dapat ng Comelec ay maging mas PATAS ang labanan?? Kahit may pera o wala.

Nasa Philippine Constitution na dapat tulungan ng gobyerno ang mga kandidatong kulang sa pera para may tsansa silang mag-silbi sa bayan.

Hindi ko talaga maintindihan po.
Para maayos pa po natin. Para balang araw, may MATINONG bagong kandidato pa ang susubok.
God bless po.
– doc willie ong

Note: Nagtatanong lang po tayo kasi sobra na kami dehado. Ayoko nga sana ipost ito baka lalo pa tayo pag-initan eh.
Pero parang unfair po talaga. Pasensya na.

Your thoughts?

Loading...

Add Comment