Election lawyer Atty. Glenn Chong denounces Leni Robredo’s dirty tactic on social media

While Leni Robredo has been called ‘bobo’ and ‘tanga’ for issuing dumb statements in response to certain issues but make no mistake about it, Leni is one cunning lady.

Doubt it? Well, I suggest you read the Facebook post of Atty. Glenn Chong below and tell me if you are convinced or not.

SUMASAKAY LANG NG LIBRE SI ALING LENI

Nagfile si BBM ng Motion for Reconsideration sa resolusyon ng PET makaraang pahintulutan nito ang hiling ng kampo ni Robredo na makakuha ng soft copies (kopya na nasa digital format) ng mga ballot images at mga reports na nasa loob ng SD cards mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Ayon kay BBM, hindi dapat pahintulutan ng PET na mabigyan ng soft copies si Robredo dahil hindi naman siya humiling ng decryption. Ang soft copies ay resulta o by-product lamang ng decryption. Walang soft copies na lalabas kung hindi muna dadaan sa decryption proceedings ang mga SD cards. Dahil hindi humiling si Robredo ng decryption, hindi siya dapat makakuha ng soft copies na siyang resulta o by-product ng decryption. Ang ginawang ito ni Robredo ay labag sa procedural rules ng decryption ng mga SD cards.

Malinaw na ito ay stratehiya lamang ng kampo ni Robredo na hindi sila hihiling ng decryption pero hihiling sila sa resulta ng decryption upang maiwasan ang malaking halagang dapat bayaran sa Comelec. Sa madaling sabi, gustong sumakay ng libre si Aling Leni. May tawag dito – free rider!

Ayon sa patakaran ng Comelec hinggil sa decryption proceedings, dapat magbayad ang humiling nito ng kaukulang fees bawat presinto o SD card para sa paggamit ng kanilang election system sa decryption proceedings at dapat bayaran din ang per diems ng mga empleyadong itatalaga sa decryption proceedings sa bawat araw na sila ay nakatalaga dito. Nagbayad si BBM ng halos P3 milyon (P2,974,075.00). Pero si Robredo ay walang balak magbayad ng halos P3 milyon ng kaukulang fees.

Ayon kay BBM, hindi makatarungan at hindi patas (unfair, unjust and inequitable) na pagbigyan si Robredo sa ganitong paraan.

Maliban sa Ms. Useless, dapat ding bigyan ng Ms. Free Rider title si Aling Leni.

Your reaction?

Loading...

Add Comment