Election reform lawyer Glenn Chong’s proposal to make 2019 poll cheat-free, gaining support on social media!

As the clamor for a clean and honest election in the coming midterm election in 2019 gets louder, election reform advocate Atty. Glenn Chong offers what he thought would be the panacea to repair the tarnished reputation of COMELEC.

In the Facebook post, Chong shared the 9-page document he forwarded to the office of Sen. Koko Pimentel, chairman of the Joint Congressional Oversight Committee.

The proposal outlined the steps he said would make the election results tampered-free from saboteurs.

The main idea of Chong’s proposal is to do manual count of the votes tallied as per voter’s receipt. After the counting, it is then compared to the automated count, in case there is discrepancy, Chong said it is clear the election has been compromised.

Ayon sa ating Plan B, bibilangin ng mano-mano ang lahat ng naitalang boto sa ating mga resibo na iluluwa ng makina matapos matanggap ang ating balota. Pagkatapos mabilang ito, ikukumpara ito sa bilang na iniluwa ng makina upang makita kung tugma o may pagkakaiba. Kung magkaiba ang automated count versus manual count, may himala at may daya sa makina.

Please read Chong’s full post below.

HUWAG TAYONG SUMUKO SA
SINDIKATONG RIDING IN TANDEM

Walang tutulong sa atin kundi ang ating sarili lamang.

Huwag na tayong umasa na ipapatawag pa ng Senado ang 2 kawani ng Smartmatic na tetestigo sa dayaan sa halalan noong 2016. Matindi sana ang isisiwalat ng mga testigong ito laban sa Smartmatic pero hindi papayag ang sindikatong mabuking silang muli sa harap ng publiko.

Wala talaga tayong maaasahan sa mga nakaupong senador at congressmen. Sadyang hindi naaayon sa kanilang interes ang interes ng sambayanan. Ang kanilang pansariling interes lamang ang kanilang pinagsisilbihan, hindi ang taumbayan.

Be that as it may, hindi ito sapat upang sumuko tayo sa laban para sa ating bayan at kinabukasan. We have much to lose while they have all to gain.

Kahapon, ipinadala ko sa komite ni Sen. Koko Pimentel at kay Comelec Chairman Sheriff Abas ang mekanismo o patakaran kung paano maipatupad ng maayos ang ating Plan B upang maging malinis at mapagkatiwalaan ang darating na halalan.

Ayon sa ating Plan B, bibilangin ng mano-mano ang lahat ng naitalang boto sa ating mga resibo na iluluwa ng makina matapos matanggap ang ating balota. Pagkatapos mabilang ito, ikukumpara ito sa bilang na iniluwa ng makina upang makita kung tugma o may pagkakaiba. Kung magkaiba ang automated count versus manual count, may himala at may daya sa makina.

Sa mga susunod na araw, maghahain na rin si Atty. Trixie Cruz-Angeles ng petisyon sa Comelec upang ipatupad ang Plan B.

Walang dahilan ang Comelec at Smartmatic na tanggihan ang panukalang ito. Pero kung tatanggi man sila, walang ng ibang dahilan. Dadayain talaga ang darating na halalan.

Natitiyak ko na hindi papayag ang sindikato sa panukalang ito maliban na lang kung sila ay ma-checkmate natin. Kaya naghanda na rin ako ng Plan C.

For the full text of the submission to the Senate and Comelec, you can download it from this link:

https://www.dropbox.com/s/xa7gqi0s6mylieo/Proposed%20Rules%20in%20the%20Orderly%20Implementation%20of%20the%20Voter%20Verification%20Process%20Using%20the%20Voter%20Receipt.pdf?dl=0&fbclid=IwAR1xxrQPLXRaaHPX9-FSXB29fNLYGHIycNvVCdLWrdHncPqMipDSwhXRY1c

Your reaction?

Loading...

Add Comment