High-ranking Scout Ranger official says story behind photo of Erwin Tulfo and Scout Rangers isn’t 100% accurate. Read why!

Previously, PMA alumnus Nick Sotelo claimed young Musang officer and now DSWD Secretary Rolando “Bote” Bautista saved Erwin Tulfo’s life after his speed boat sunk in the sea near Jolo, Sulu.

Sotelo backed up his claim by posting a photo of Erwin Tulfo and his Musang or Scout Ranger saviors as proof.

However, a high-ranking official of the Musang or Philippine Scout Rangers named Lt. Col. Harold Cabunoc took to Facebook saying Sotelo’s account behind the photo of Erwin Tulfo and the Musangs isn’t 100% accurate.

You may read Lt. Col Harold Cabunoc’s full FB post for details.

ARMADONG GRUPO SA PANGUTARAN, BINIGWASAN NG MUSANG

Siguro, nasa newsfeeds ninyo ang unang picture na ipinakilalang si Gen. Rolly Bautista ang nakaputing sleeveless kasama si Erwin Tulfo at mga musang ng 2nd Scout Ranger Battalion.

Nais kong ituwid ang mali-maling impormasyon na ginagamit para sa ipinagpatuloy na alitan na dulot sa insidenteng pambabsstos ni Erwin Tulfo sa nirerespetong heneral na Musang.

Ito ang tunay na kwento.

Ang mga Musang ay naatasan na suportahan ang halalan noong Mayo 2001.

Kaming taga 1st SR Battalion ay ipinadala sa Eastern Sulu, sa bayan ng Panamao at Panglima Estino.

Ang 2nd SRBn na pinsmunuan ni Col Marcos ’83 ay itinalaga sa isla ng Pangutaran na napaulat na binabantaan ng armadong kalalakihan.

Boluntaryong namuno sa unang tropang ioinadala, si Cpt Ronald Clemente, ang CO ng 9th Scout Ranger Company. Kasama nya ang tropa ng 17SRC na pinamunuan ng Ex-O na si 1Lt Junie Agoncillo ’97 Ka-buddy nila ang mga SWAG na pinamunuan ni Lt James Layug ’95.

Madaling-araw nang nakarating ang Navy ship sa area ng Pangutaran. Dahan-dahan silang bumaba, lumipat sa bangka, at ang suspected enemy positions ay nilapitan.

*Sobrang madilim nang kami ay dahan-dahang gumapang papunta sa gilid ng bahayan. Alam namin na ang mga armado ay nasa di kalayuan,” sabi ni Ranger Clemente, na kasama ko sa 12th SRC sa pakikipaglaban sa Basilan.

Naaaninag nila ang pwesto ng kalaban mga 30 metro sa harapan. Bulungan sng mga musang nang makita ang apoy ng sigarilyo na itinapon sa kanilang harapan.

Pak! Pak! Pak! Ratatatat! Humaging ang mga punglo sa kanilang harapan.

“Lead team, fire! Suppress!” Sa dami ng putok ay di sila nagkarinigan. Ang iba ay nag aagawan sa isang puno para ang bala ay maiwasan.

“Napakaliit ng aming cover at ang pwesto ng kalaban at sementadong bahayan,” sabi nya.

At, iyon ay naging simula sa tatlong araw nilang bakbakan. Lugi man sa posisyon, sinugod nila ang mga sementadong pwesto ng kalaban.

Ang problema, ang bala ay nagkakaubusan. Pati tropang nasa barko ay kanilang kinunan ng balang panlaban.

Nagpadala sya ng bangka para manghingi ng karagdagang bala at pagkain sa mainland Sulu, ang kanilang himpilan.

Pati bala at armas na nabawi sa kalaban ay nagamit na nila sa barilan. Pinagsusunog ng kaaway ang bahayan na iniwan para ang assault ay mahadlangan.

Ang bangka ng tropa na nagresupply ay nakakita ng pumpboat na lumulubog dahil nabutas ito na ang mga corals ay nasagasaan.

Ang taong nanghingi ng tulong ay kanilang nilapitan para saklolohan. Sila pala ay mga mediaman kagaya ni Erwin Tulfo at ang kanyang cameraman.

Dinala nila sina Erwin sa kanilang pwesto, binahagian ng tubig at pagkaing pang Musang.

Maganda ang kanilang naging samahan sa lugar ng digmaan. Ang mga Musang ay kanyang pinapurihan at pinasalamatan.

Sa dami ng wounded na Musang, kita ni Erwin ang sakripisyo ng Musang. Nalaman din nya na sa panahon ng kagipitan, ang Musang ay maaasahan. Kung malulunod ka na, ikaw ay siguradong tutulungan. Kung magutuman ka, sardinas at skyflakes ikaw ay babahagian. Ang mga Musang ay masarap maging kaibigan.

Ang musang na kagaya ni Gen Rolly Bautista sa serbisyo ay maaasahan. Inuuna ang aksyon sa pagtulong kaysa puro istoryang walang laman.

(Photos from 9SRC archives)

Check out the photos shared by Cabunoc below.

According to Col. Cabunoc, the soldier in white sleeveless shirt is not Gen. Bautista as Sotelo identified but an NCO of 17th SRC.

Your comment?

Loading...

Add Comment