Hoax!|Lawyer Glenn Chong says FB Page claim Pnoy’s “best performing president” is fake news, says best performing is PRRD!

A couple of Liberal Party identified Facebook Pages has been sharing a meme claiming former President Benigno Simeon Aquino III aka PNoy is the best performing President since President Marcos.

The LP premise “PNoy is the best performing President” was anchored on the result computing the country’s external debt to the GDP(Gross Domestic Product) using quantitative relation. For a simple explanation of quantitative relation, you may read Atty. Glenn Chong’s full post below.

The claim “Pnoy is the best performing President” did not make election lawyer and accountant Glenn Chong very happy.

In fact, Chong has taken to Facebook to slam the claim of the former administration’s camp and dismissed it as nothing but a big fat lie.

Chong’s arrived with the conclusion that the claim of LP Facebook pages was flawed because the LP bright boys did not show data under the Duterte administration because they could not find the dollar figures in relation to the current administration’s debt.

Chong believed the creator of the meme deliberately overlooked the data under the Duterte administration because this will show that President Duterte is the best performer in terms of handling the country’s external debt.

In fact, Chong found out later that indeed President Duterte is the best performing President among the previous presidents since Marcos.

HULI ANG PANLILINLANG NG MGA DILAWAN

Ipinakita ng 2 dilawang blogger na sina Pangit Ako Blog at #DaldalNoMorePH, ang isang infographics kung saan bumaba ang External Debt to GDP Ratio mula 82% sa administrasyong Marcos hanggang umabot na lamang ito sa 26.5% sa ilalim ng administrasyong Aquino².

Dahil bumaba sa 26.5% ang ratio na ito, si Noynoy Aquino raw ang best performing president.

ITO AY KASINUNGALINGAN AT PANLILINLANG.

Ang ratio ay ang nasusukat na relasyon (quantitative relation) sa pagitan ng dalawang halaga (values/amounts) na nagpapakita kung ilang beses ang isang halaga ay nakapaloob o sumasaklaw sa kabilang halaga.

Sa ratio na ito ang dalawang halaga ay ang utang panlabas (external debt) o pagkakautang ng Pilipinas sa mga banyagang nagpapautang at ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyong nagagawa ng ekonomiya ng Pilipinas sa isang taon (gross domestic product).

Kapag mababa ang ratio, ibig sabihin ay may sapat na kakayahan ang ekonomiya na mabayaran ang utang na hindi kailangang mangutang ng dagdag. Mas magaan ang pamamahala ng utang at mas mababa ang panganib ng loan default.

Kapag mataas ang ratio, ibig sabihin mahihirapan ang ekonomiya na mabayaran ang utang kaya’t kakailanganing mangutang ng dagdag. Mas mahirap ang pamamahala ng utang at mas malaki ang panganib ng loan default.

Ang bumabang ratio sa panahon ni Noynoy Aquino ang ipinagyayabang ng mga dilawang ito.

PERO, sadyang hindi nila ipinakita ang datos sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ito ang sinabi nila – “We do not have the Dollar figures of Debt under Duterte.”

ITO AY KASINUNGALINGAN. Ang dollar figure ng utang panlabas na $73.10B noong 2017 sa ilalim ng administrasyong Duterte ay available mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at nakalathala ito dito –
https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt_of_the_Philippines.

Kung hindi naman sila maniniwala sa Wikipedia, nagtanong na lang sana sila sa kanilang kakunchabang Rappler.com kasi ibinandera naman nito ang datos sa kanilang report na – “Philippine external debt down to $73.2B in Q1 2018.” Ito ay nakalathala dito – https://www.rappler.com/business/205034-philippine-external-debt-q1-2018.

Kaya hindi maaring wala silang alam sa dollar figure ng utang panlabas sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil available ito. Dalawa lang ang ibig sabihin nito – hindi nagresearch ng husto o sadyang itinago ang datos na ito.

Ako ay naniniwala na sinadyang hindi ipinakita sa kanilang infographics ang datos noong 2017 dahil makikita na mas mababa ang External Debt to GDP Ratio sa ilalim ng administrasyong Duterte – 23.3% lamang kumpara sa 26.5% sa panahon ni Noynoy Aquino.

IN SUM, runner up lang pala si Noynoy Aquino. Ang champion ay si Rodrigo Duterte. Pero pilit nakawin ng mga dilawan ang koronang ito. Now you know!

Sigaw nila – #NaDuterte, #NgaNga, #NoToFakeNews, #AlamNaThis. Itong lahat ay dapat ibato natin sa kanila.

As a final note, ang External Debt to GDP Ratio na 82% sa panahon ni Ferdinand Marcos ay sadyang mataas dahil mas mababa pa ang GDP o ekonomiya ng Pilipinas noon na nasa $34.05 bilyon lamang. Mababa ang base figure. Pero kung tutuusin, mas mataas pa ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ni Ferdinand Marcos kumpara sa paglago ng ekonomiya sa panahon ni Corazon Aquino. Pero dahil mas mataas na ang base figure sa panahon ni Corazon Aquino – $58.69 bilyon – bumaba na ang ratio niya sa 52.7%.

Your reaction?

Loading...

Add Comment