International relations expert’s ‘Idiot’s Guide to West Philippines Sea ,EEZ, South China Sea’ goes viral!

Do you confuse the West Philippine Sea for the whole South China Sea or the entire sea west of the Philippines?

Well, if your answer is ‘YES’, I think this viral Facebook post posted by international relations expert and blogger Sass Rogando Sasot is perfect for you.

In the FB post, Sasot explained that as per Administration Order 29 of ex-President BS Aquino, the West Philippine Sea pertains to the Luzon Sea and the waters surrounding the Kalayaan Group of Islands and around Scarborough Shoal.

In other words, the West Philippine Sea is part of the South China Sea.

On questions if the West Philippine Sea is part of the Philippine territory? And within the Philippines EEZ (Exclusive Economic Zone)? Sasot says this is partly true.

To get a better understanding of the issue on the West Philippine Sea, please read Sasot’s entire FB post below.

FACTS ABOUT THE WEST PHILIPPINE SEA (WPS)

QUESTION : Ang West Philippine Sea ba ay ang South China Sea? Ang West Philippine Sea by ay ang LAHAT ng bahagi ng dagat sa kanluran ng Pilipinas?

ANSWER: No. Ayon sa Administrative Order No. 29 ng Aquino Administration, ang WPS ay ang Luzon Sea, ang tubig around Kalayaan Island Group at around Scarborough Shoal.

Ang WPS ay part ng South China Sea. Ang WPS ay hindi another name for South China Sea.

Ang WPS ay hindi tuloy-tuloy na bahagi ng dagat mula Scarborough to Kalayaan Island Group.

QUESTION: Ang WPS ba ay territory natin?

ANSWER: Ito ay kumplikadong usapin. Let’s break it down.

1. Ayon sa international law, ang isang bansa can only have a territorial sea na 12NM mula sa kanyang baseline. Yan lang ang sakop ng territory ng isang bansa.

2. Ang bahagi ng Luzon Sea na sakop ng 12NM na yan ay ating territory. Dyaan tayo may sovereignty.

3. Ang tubig around Scarborough Shoal ay lagpas na sa 12NM natin. Ang tubig around sa Kalayaan Island group ay lagpas na rin sa 12NM natin.

Kaya ang mga nagsasabing ang WPS ay “territory” natin ay MOSTLY WRONG dahil MOST of the WPS ay lagpas na sa 12NM.

QUESTION: Ang WPS ba ay within our EEZ?

ANSWER: Ito rin ay kumplikadong usapin.

1. Ang EEZ o ang Exclusive Economic Zone ay ang 200NM mula sa ating baseline. Ang first 12NM nyan ay ang territorial sea. Dyaan ang isang bansa ay may sovereignty. Ang sovereignty ay full and absolute control.

Mula 12NM onwards 200NM, ang bansa ay may sovereign rights limited to economic exploitation ng yamang dagat (both living and non-living resources) at limited jurisdiction (kapangyarihang magpatupad ng kanyang batas) katulad sa pag-regulate ng construction ng structures, installations, at artificial islands, environmental protection.

2. Ang Scarborough Shoal ay pasok sa EEZ natin PERO ang nakakapagtaka hindi ito ang naging argumento ng Aquino Administration sa arbitration vs China. Ang argumento nila eh ang mangingisda natin ay may “traditional fishing rights” doon.

Kumplikado rin ang usapin sa Scarborough Shoal. Dahil ang Scarborough Shoal ay legally classified as rock, ito ay pwedeng ma-acquire as “territory” and dahil sya ay territory ito ay pwedeng magkaroon ng 12NM territorial sea. Pero dahil rock sya, hindi sya mag-generate ng 200NM EEZ dahil hindi ito island na can sustain life, katulad na rin sinabi ng arbitration decision.

Hindi pa resolve kung sino between China at Pilipinas ang may sovereignty sa Scarborough Shoal. Pero ang isa sa mga condition ng territorial acquisition ay EFFECTIVE OCCUPATION. Right now sino ang may effective occupation? At kailan nagsimula iyaan? Noong panahon ni PNoy.

Ngayon, in the event, na China ang ma-recognize na kanyang territory ang Scarborough Shoal, kahit nasa EEZ natin ang Scarborough Shoal, ang shoal would be under the sovereignty – not just sovereign right – ng bansang may EFFECTIVE OCCUPATION nito. China’s sovereignty prevails over our sovereign rights generated by our EEZ.

Pero ang mga fishermen natin ay pwede pa ring makapangisda doon dahil ang “traditional fishing rights” ay respected kahit pa sa 12NM territorial sea ng ibang bansa iyan, as mentioned sa arbitration case ng Eritrea vs Yemen.

3. Hindi lahat ng features ng Kalayaan Island Group ay pasok sa ating EEZ. May 45 features sa Kalayaan Island Group. 27 lang doon ang nasa EEZ natin. Ibig sabihin, 18 na features around KIG ay LAGPAS NA SA EEZ natin.

Samakatuwid, ang WPS ng Aquino Administration can be considered as EXCESSIVE MARITIME CLAIMS. Hindi lang China, Vietnam, at Taiwan ang may excessive maritime claims. TAYO RIN!

QUESTION: China ba ang tanging foreign country na nasa WPS?

ANSWER: NO. Vietnam, Malaysia, at Taiwan all have MILITARY PRESENCE in the WPS long before China!

Vietnam occupies 21 features na nasa area we call WPS, at 11 dyaan ay nasa EEZ natin.

Malaysia occupies 7, all of them ay nasa EEZ natin.

Taiwan occupies 1, and it’s in our EEZ.

China occupies 8, and 4 of them ay nasa EEZ natin.

Ngayon, in the event na these countries were declared by a court or by a treaty na territory nila yan, then kahit nasa EEZ pa natin iyon, their sovereignty trumps our so-called sovereign rights because one cannot claim sovereign rights kung wala kang sovereignty in the first place.

Your comment?

Loading...

Add Comment