Ironic: Political Science prof calls GMA News #HindiTama post on meme comparing Yolanda & Lawin #HindiTama

An irony of all ironies! GMA News #HindiTama post on infographics comparing Yolanda & Lawin has been described by a La Salle professor as #HindiTama!

On October 28, the #HindiTama initiative attempted to debunk the meme comparing super typhoons Yolanda and Lawin.

In the article, GMA News interviewed Japan-based meteorologist Robert Speta in an attempt to destroy the credibility of the meme. Check out the full article here.

Did it succeed or convince netizens that GMA News #HindiTama is really correct on this one? “Not so fast, GMA News,” says La Salle political science professor Dr. Antonio Contreras.

The La Salle professor was left scratching his head after reading GMA News #HindITama article on the meme he first shared online.

Check out the full text of his post below:

#HINDITAMA ANG #HINDITAMA AT ANG #HINDITAMA DITO AY ANG GMA 7

Alin ang hindi tama? Ang stats sa meme ba. E hindi naman sinabi ni Speta na mali ang stats.

Tama ang pangalan ng bagyo.
Tama ang taon.
Tama ang maximum gusts.
Tama ang diameter.
Tama ang bilang ng casualties.
Tama ang pangalan ng pangulo.
So ano nga ang hindi tama?
Ang paghambingin ang mga bagyo?

Taena. Hindi kailanman magiging mali ang act ng paghahambing. Ang mali ay ang nilalaman ng paghahambing. Hindi lahat ng paghahambing ay kailangan sa loob ng eksaktong parehong cohort. Bahagi ng paghahambing ang sabihin kung bakit magkaibang kategorya.

E taena parehong bagyo yan.

E sa amin nga sa political science hinahambing namin ang Amerika at Pilipinas dahil parehong bansa kahit maraming pagkakaiba. Hinahambing namin ang Iranian Revolution at French Revolutiom kasi parehong rebolusyon yan kahit yung isa sa France at yung isa sa Iran.

Masyado kasing nagpadala sa huwag daw ikumpara ang apples at oranges, e taena kasabihan lang ito na may kamalayang dayuhan pa at hindi pa nga scientific. Puwede ngang gumawa ng taxonomic differentiation para makumpara at malaman ang pagkakaiba kasi parehong prutas yan.

At ginawa nang Diyos ang salita ni Speta, e mismong siya gumawa ng paghahambing bagamat ang kinauwian ay sabihin ang pagkakaiba at mahirap gumawa ng pagtutulad.

Nyeta. Anong kabulastugan ang di puwedeng maghambing kasi ang bawat bagyo ay may kanya-kanyang angking kaibahan. E bakit ka pa nagkaroon ng typhoon signals. E di ba rubriko yan ng paghahambing?
E kung gagamitin ko pala yan sa mga students ko e hindi pwede silang paghambingin kasi iba-iba naman sila. E taena e di nabuwag lahat ang pundasyon ng student assessment, lalo na yung mga naggi-grade on a curve. Lechugas talaga.

E lechugas naman. Infographic pati yan. Nasa nagbabasa ang paghuhusga. Walang sinabi ang infographics kundi facts. Kung may mali dito ay ang satellite photo ng ginamit na background kasi obvious na pareho lang. Walang ginawang pagsusuri na tahasang naglahad ng paghahambing.

Kaya nga pinost ko lang siya para pag-usapan dahil “raw data” lang ang binigay at bagamat may pinahihiwatig ay iniwan sa atin ang mag-interpret. RAW DATA NA PURO TAMA.
Kumuha ba kayo ng research methods? Di ba ninyo inaral na kapag factual ang stats, ang magiging error ay nasa analysis at wala sa data?

So GMA 7, inuulit ko. ANO ANG HINDI TAMA SA INFOGRAPHIC MALIBAN SA SATELLITE PHOTOS? Ano ang mali sa data? May analysis ba ang meme para masabi niyong may hindi tama sa paginterpret ng data?
Kasi sa ngayon, litaw sa akin na ang hindi tama dito ay ang inyong paghuhusga na hindi tama ang infographics.

Lechugas kayo! Mas magaling pa sa inyo ang mga estudyante ko sa research methods. Sinistress niyo pagkatao ko.

What can say about this post? Please share your thoughts on this by commenting below.

Source: Dr.Antonio Contreras

3 Comments

  1. unyellowish October 29, 2016
  2. ferdinandbidua October 31, 2016
  3. somewhere nowhere October 31, 2016

Add Comment