Journalist tells anti-Marcos: “Walang masamang dinala ang Martial Law sa amin maliban sa resulta ng mga personal na desisyon namin”

Huwag niyo naman sabihin sa amin na hindi totoo ang karanasan namin, na kami ay nagbubulagbulagan. Dahil Ito ang karanasan namin at para sa amin, masakit man sa tenga ninyo pakinggan, walang masamang dinala ang Martial Law sa amin maliban sa resulta ng mga personal na desisyon namin.

The statement above summarizes the overriding sentiment of the Facebook post of journalist Ira Panganiban when he shared his personal experience growing up under the Martial law rule.

He opened his post by saying that the time is ripe tell the other side of the story (the good things about Martial Law), not just stories of abuses and excesses shared of others under Martial Law rule.

50-years old na ako. Siguro panahon na para may magkuwento ng buhay niya noong Martial Law. Yung iba naman sa palaging kuwento ng kabuktutan at karahasan noong panahon na iyon.

He said his siblings grew up peacefully in Manila while Martial Law reigned supreme.  The family started from the bottom (poor) and literally crawled their way up in the social ladder through hard work.

Tahimik po kaming lumaki sa Kamaynilaan noong Martial Law. Nag simula kami sa mahirap at umakyat sa hagdan ng tagumpay ang aking ama sa sarili niyang pagsisikap.

His father was a student by day, a security guard by night until he graduated. His father got a job from a multinational company and through hard work became the “boss”.

Nagaral habang Security Guard sa gabi. Natapos at nagtrabaho sa isang malaking kumpanya. Umangat hanggang naging boss.

Said his father sent them to good schools while his mother was a plain housewife because his father’s paycheck was good enough for their needs.

Pinagaral niya kami sa mahusay na mga paaralan habang ang nanay ko naman ay isang ulirang maybahay. Hindi kinailangan magtrabaho dahil sobrang sapat ang sahod ng aking ama para sa kailangan namin.

When they were young, they played in the streets without worry or fear even after dark. The police were their friends but scared of the soldiers because they had guns. However, the soldier were there to maintain peace and order.

Noong bata ako naglalaro kami sa kalye ng walang takot kahit gabihin kami. Ang pulis ay kaibigan namin. Takot ka sa sundalo dahil may baril pero hindi sila nanggugulo.

He said he had done his time in Camp Crame during his teenage years when apprehended for violating curfew rule under Marcos Martial Law. But wait! He was neither tortured nor imprisoned by the military but spent the whole day scrubbing the concrete fences around the camp.

Kalaunan ay naging binata na kami. Nagkabisyo, napahilig sa good time at inaabot ng curfew. Minsan kami nahuli sa curfew, dinala kami sa Camp Crame para magkuskos ng pader buong araw. Pagkatapos ay sinundo kami ng magulang namin na tinawagan ng PC pagkatapos kunin ang address at telepono namin. Hindi na kami ulit lumabag ng curfew.

He recalled commuting to school from Sucat to Ortigas and took the ubiquitous yellow mini-bus during the Marcos era in 45 minutes.  Yes, in 45 minutes!

Nag-commute kami papasok ng school noong High School. Yung jeep at dilaw na mini-bus. 45 minutes mula Sucat hanggang Ortigas, dalawang sakay pa ito, Sucat-Baclaran tapos Baclaran-Ortigas.

He said they were not scared of kidnappers and the police were friendly that you can approach them for help.  Just like today, there were a few rotten eggs.

Hindi po kami takot sa kidnapper at pag may problema puwede ka humingi ng tulong sa pulis. Hindi ko sinasabing santo mga pulis nung araw. Meron din gago. Minsan, naglalakad kami pauwi galing Phase 1 sa BF Paranaque, pinagtripan kami ng isang pulis. Dahil magulo daw kaming mga kabataan sa presinto kami maglamyerda.

Sa presinto tinitignan nung pulis yung mga relos namin. Gusto kunin. Sinita siya nung Sarhento de Mesa niya na huwag patulan ang mga bata at idamay sa kalokohan niya. Nung umalis yung gagong pulis tumawag ng tricycle yung Sarhento at pinauwi na kami.

He recalled his UP days hanging out with student activists who became good friends, listened to their discussions their issues with the government under Marcos. That is why he said, he chose to be a journalist and credited the student activists for helping him find his calling.

Kolehiyo, nagaral din ako sa UP sandali, na kausap ang mga tibak, yung iba naging barkada ko pa. Kainuman, nakikitira sa dorm nila, nakikinig sa diskusiyon nila. Naintindihan ko naman sila at hinaing nila. Kaya siguro naging reporter ako, yung puso ko ay nahuli nila.

He was kicked out of UP because his extra-curricular activities affected his studies.

Pero hindi ako nagtagal sa Peyups, nasobrahan sa inuman at diskusiyon ng dialectics sa gabi di na nakapasok sa subjects, sibak ako. Sa ibang paaralan sa Maynila ako natapos.

Nung mga panahon na iyon, kabataan ko, bago pumasok at sumabak sa trabaho at buhay, medyo semplang din ako. Lassengo, puro good time, laging nasa kalye. Pero hindi ko naranasan yung sinisigaw ng mga anti-Marcos noon. Kahit gago, sinisiguro ko na yung kagaguhan ko ay nasa loob ng limitasyon ko. Pushing the limit of my boundaries ika nga.

He confessed he is not a pro-Marcos. In fact, he was a Ninoy sympathizer back in the days. But not hard core. Fortunately, he did not experience having been visited by soldiers in his home.

Pero hindi ako maka-Marcos. Rebelde din kami. Napaskel pa nga ang mukha namin sa cover ng isang political magazine noon dala ang bandila natin habang dumadaan ang funeral convoy ni Ninoy. Hindi hard core pero ang simpatiya ay obvious. Wala namang nagpuntang sundalo sa bahay namin para hulihin ako.

Hindi po lahat ng Pilipino ay may buktot na karanasan noong Martial Law. Mas marami yung pinili ang magsikap magtrabaho at mabuhay ng tahimik. Yung tatay ko ay isa dun.

He compared the  Martial Law years and the years the followed…

Pero ito po ang Ilan sa kaibahan noon at ngayon. Hindi po talamak ang droga dahil bitay ang parusa dito. Walang kalat sa kalye dahil dinadampot sila at dinadala sa presinto o Crame. Hindi trapik at ang bus ay ang Metrobus at Love Bus. Maayos at walang problema ang LRT. Di tulad ngayon.

Noon ang itinatayo ay CCP, PICC, Heart Center, Kidney Center. Ngayon ang itinatayo ay Malls at Call Center. Noon may BLISS urban housing project, ngayon mga condo na ga-posporo ang laki ng bawat unit.

Noon lahat ng itinatayo mukhang para sa bayan. Ngayon ang itinatayo lahat may bayad.

Hindi ko minenemos yung naranasan ng ilang kaibigan ko at ibang tao noong Martial Law dahil sa panindigan nila. Pinili niya yun at hinahangaan ko sila sa landas na pinili nila tahakin. Nirespeto din nila ang desisyon ko na huwag sumama sa kanila.

Pero aminin natin ang katotohanan. Hindi lahat ng Pilipino ay nagdusa noong Martial Law. At mayroon din mga umasenso sa sariling sikap at pagpupunyagi.

He concluded his post by telling them that things were not all bad under Martial Law.

Huwag niyo naman sabihin sa amin na hindi totoo ang karanasan namin, na kami ay nagbubulagbulagan. Dahil Ito ang karanasan namin at para sa amin, masakit man sa tenga ninyo pakinggan, walang masamang dinala ang Martial Law sa amin maliban sa resulta ng mga personal na desisyon namin.

Do you have your own good story about martial law? Please let us know by commenting below.

Loading...

20 Comments

  1. Ned Valen November 25, 2016
    • Chard November 27, 2016
  2. ren November 25, 2016
  3. Danilo S. BAJO November 25, 2016
  4. rodrigo delluta November 26, 2016
  5. gina November 26, 2016
    • Laura November 26, 2016
  6. RosalieSaraena November 26, 2016
    • nancy November 26, 2016
  7. Corazon C. Villanueva November 26, 2016
  8. Corazon C. Villanueva November 26, 2016
  9. edith Lazo manuel November 26, 2016
  10. Jehan November 26, 2016
  11. alberto dejarlo November 26, 2016
  12. Ed November 26, 2016
  13. Loida comora ignacio November 26, 2016
  14. Irma Mogote November 26, 2016
  15. Irma Mogote November 26, 2016
  16. Susan November 27, 2016
  17. renstar June 3, 2017

Add Comment