#LabanNurses: Nurse who fears losing his PRC license, job goes emotional in open letter to Duterte

Filipino nurses are in-demand in hospitals overseas because of their work ethic and skills.

They enjoy high salaries, live a comfortable life and drive nice cars to work.

This is not the case though of the local nurses whose salary is below the minimum wage.

How low? Well, according to my source, he receives P8,000 per month as nurse in private hospital.

No wonder, many of our nurses prefer to work in the call center industry because of the attractive salary.

But, there are nurses who remain loyal to their profession for the love of serving the sick.

Bogs David is a perfect example of an overworked but underpaid Filipino nurse who finds joy in watching the smiles from the lips of his grateful patients.

However, the Trillanes law that requires professionals to earn CPD units to renew their professional licenses might forced David to quit his job.

Please read the open letter addressed to Pres. Duterte below for details.

OPEN LETTER sa aking Mahal na Pangulo (President Rodrigo Duterte) mula sa mga Nurses ng Bayan.

Dear Tatay Digong,

Hindi ko po alam kung paano ko sisimulan, pero gusto ko ibuhos ang buong puso ko sa liham kong ito. Sa bawat pagtipa ng aking daliri sa bawat letra ng aking lumang Android Phone ay nararamdaman ko ang pagod ko sa buong araw kong trabaho.

Ngunit mas mabilis ang takbo ng mga salita sa aking isipan mula sa hinanakit at hirap na aking dinaranas bilang isang Nurse. Gusto kong simulan ang pasasalamat sa iyo sa pagising sa kamulatan ng bawat Pilipino upang mahalin ang sariling niyang bansa.

Bilang anak nakikita namin ang hirap ng isang ama upang pangatawanan ang responsibilidad niya para sa lahat, at dahil diyan “Maraming Salamat Po!”

Ang dahilan po ng aking sulat ay para ipaalam ang sitwasyon ko at sampo ng aking kabaro. Isa lamang po akong hamak na Nurse na nagtatrabaho sa isang pribadong ospital. Alam ko pong wala akong titulo o posisyon para mapansin ninyo.

At bilang isang nurse alam ko po na tungkulin kong alagaan ang bawat mamamayan na hihingi nang kalinga ng isang nurse na gaya ko.

Ngunit sa likod nito, ako ay isang magulang sa aking mga anak at isang anak sa aking ama’t ina. May mga araw na binibilang ko ang bawat piso na kumakalansing sa naninilaw kong puting pantalon, upang bilangin kung kakasya ba ito para makabili ng kape sa umaga tuwing duty ko. Ok lang sakin yun wala naman problema kung walang kape, makita ko lang ang ngiti at pagasa sa mga labi ng bawat pasyenteng akin natutulungan.

May mga araw na tinatakpan ko ang butas kong uniporme at sapatos kong pudpod ang swelas para lang maipakita ko sa mga pasyente ko na OK ako at kaya ko silang tugunan.

Madalas ay nangangasim ang aking sikmura dahil hindi ko maharap ang kubyertos ng aking baunan dahil mas malakas ang tawag ng tulong ng may sakit. May mga punto pa nga na nasisigawan kami kasi hindi nila naiintindihan ang sitwasyon namin bilang isang nurse pero OK lang. Alam namin na ang propesyong pinasok namin ay pagtulong sa kapwa.

Pero sa bawat pasakit na ito alam kong may katumbas na ngiti sa mga labi ng mga taong mahal ko. Ang sahod ko na 8,000 na hahatiin ko sa pamilya at sa ina’t ama kong may sakit. Opo, tama ang nabasa mo 8,000 po dahil ako ay nagtatrabaho sa pribadong ospital.

Sa bawat hawak ng sobre ng aking sahod, idinadasal ko sa Diyos na sana nadagdagan kahit dalawang daan para may pandagdag sa pamsahe ko ng isang linggo. May mga araw na nanginginig ang aking tuhod mula sa 12 oras na trabaho at puyat pero kelangan kong lakarin pauwi dahil sayang ang baryang maiipon ko para sa field trip ni bunso.

May pagkakataong ako ay naluluha kapag nakikita kong nahihirapan ang matatanda kong pasyente ngunit di ko maalagaan ang sarili kong ina. Bagkus pilit kung binabawi ang pangungulila sa paghawak sa kamay ng matatandang may sakit sabay ng dalangin “Diyos ko! Alagaan mo ang aking amang may sakit”. Iniiwas ko ang tingin upang di makita ng bawat pasyente ko na ang taong inaasahan nila ay napanghihinaan na rin.

Ok naman sana lahat, matitiis naman. Ngunit ang munting kaligayahan bilang isang Nurse ay nanganganib na mawala. Saan ako kukuha ng pambayad sa hinihinging seminar para CPD units para sa aking lisensya. Un tatlongdaang pinagkakasya sa 10 araw na baon at pamasahe ay di sapat para mapunan.

Sa bawat pagbilang ng barya sa aking bulsa ako ay naluluha. Napapatingin sa malayo at napapatanong sa sarili, “ako nga ba ay bayani gaya ng sabi ng marami?

Ngunit bakit hindi ko maramdaman? Sa paglipas ng ilang buwan kapag hindi ko makumpleto ang hinihingi nilang kailangan wala na akong karapatang maging Nurse. Paano na ang pamilya ko? Paano na ang bayan ko? Tuluyan ko na bang iiwan ang propesyon at bansa ko?

Humihingi ako ng tulong sa iyo Tatay Digong sana mapansin mo naman ang hanay ng isa pang uri ng bayaning nakaligtaan.

Nagmamahal Nurse.
Jake David C. Cabebe RN.

Pasasalamat sa Lumikha ng Larawan: Jenalyn C. Silverio RN.

(Ang character ay sumisimbolo sa bawat Pilipinong Nurse)

Mga ka-DDS tulong ng marinig naman kami, naapektuhan kami ng Plano ng nakalipas na administrasyon.

Your reaction?

Loading...

Add Comment