Lawyer Glenn Chong accuses SC Justice of favoring Robredo over Marcos in VP election protest anew

Wondering why the election protest of Bongbong Marcos against Leni Robredo in the Presidential Electoral Tribunal (PET) is taking so long?

Well, the Facebook post of election lawyer Glenn Chong making the rounds in the social media lately will hopefully keep the public abreast of what’s slowing down the Marcos-Robredo election protest.

According to Chong, SC Justice Caguiao has been the biggest thorn in Bongbong Marcos’ election protest by issuing unfair resolutions in favor against Marcos while favoring Robredo.

The latest PET resolution issued on January 10, 2018 clearly demonstrates Chong’s point.

Credits to Glenn Chong.

However, not all bad news though as the manual recount, according to Chong starts on February 8.

You may Chong’s FB post below in toto.

MAKATARUNGAN BA ANG GINAGAWA NI JUSTICE CAGUIOA?

Nagpalabas ng panibagong resolution ang PET kung saan pinayagang makakuha ang kampo ni BBM ng softcopies o photocopies ng mga decrypted ballot images (larawan ng mga balota), election returns (resulta ng halalan), at audit logs (detalyadong record ng vote counting machine) sa lahat ng protested precincts mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negro Oriental sa kondisyon na magbayad muli si BBM sa gagastusin dito. Nagpasya ang PET na ang mga official, printed at authenticated copies ng mga dokumentong ito ay mananatili sa custody ng PET para sa gagawing revision proceedings.

Ang order na ito ay hindi makatarungan para sa kampo ni BBM dahil ang mga printed copies ng mga dokumentong ito ay binayaran na ni BBM ng halos P3 milyon para sa decryption fees na ibinayad sa Comelec at gumastos pa siya ng mahigit P4 milyon para sa mga papel at toner cartridges upang maiprinta ang mga ito. Apat na truck ng mga bond papers at 1,049 toner cartridges na ang kanyang ginastos dito. Pero ngayon, ni isang papel ay hindi man lang niya mahawakan dahil kung gusto talaga niyang makakuha ng kopya, kailangan na namang magbigay siya ng external hard drive para sa softcopies o magbayad na uli siya upang ipa-photocopy ang kopyang kanya ng binayaran at sa kanya pa galing ang papel at tinta. Ibig sabihin, bumili na naman ng 4 pang truck ng bond papers, ilang daang cartridges ng tinta, at photocopiers si BBM upang makakuha ng photocopy. Sadyang pinahirapan talaga ang kampo ni BBM. Petmalu!

At lalong hindi makatarungan na makakuha ang kampo ni Robredo ng softcopies ng mga nasabing files at documents na wala man lang siyang binayaran ni isang sentimo. Dapat nga ay magbayad rin si Robredo ng halos P3 milyon sa Comelec para sa decryption fee o di kaya ay maghati sila ni BBM sa P3 milyon decryption fee dahil kumuha rin siya ng kopya. Pero hindi siya nagbayad at siya pa ang unang nakakuha ng kanyang kopya. Ibinasura rin ang hiling ni BBM na huwag payagang makakuha ng kopya si Robredo dahil tinutulan nga niya ang decryption proceedings at hindi siya nagbayad nito.

Binubuo man ng 15 mahistrado ng Korte Suprema ang PET, ang ponente o in charge ng protesta na si Justice Benjamin Caguioa, kaklase at appointee ni Noynoy Aquino, ang may kontrol nito at siya rin ang nagrerekomenda sa buong PET kung anong hakbang o aksyon ang gagawin ng Tribunal.

Sa ating payak na pag-iisip, makatarungan ba ang ginagawa ni Justice Caguioa?

Hindi na ako magtataka kung darating ang araw na mapuno na rin ang salop at maguumapaw sa ralyista ang Padre Faura.

UPDATE SA PROTESTA:
1. Tuloy na tuloy na ang pagkolekta ng mga ballot boxes at balota sa Camarines Sur sa susunod na linggo mula January 23 hanggang 26.
2. Magsisimula na rin ang manual recount sa February 8.

Your reaction?

Loading...

Add Comment