Lawyer lashes back at Duterte critics; defends Duterte against human rights accusations

A post defending Mayor Duterte from alleged human rights abuses while holding office as Mayor of the Davao has been making the rounds online.

Atty. Rivera defends Duterte from human rights violator tag

Credits to Atty. Rivera

In the Facebook post shared 377 times, Mayor Duterte’s no.1 defender and supporter online except Pinol and Lavina, Atty. Bruce Rivera answered the accusers and critics point by point in defending Duterte from the human rights issues that have been raised against him to derail his presidential bid.

Atty. Rivera specifically mentioned the names of the two so-called human rights advocates and nemesis of Duterte as Etta Rosales and De Lima.

The response from Atty. Rivera also applies to the online critics and Duterte bashers who always make it a point to raise the human rights issues against Mayor Duterte in every conversation involving topics about the 2016 presidential candidates.

Please read the full text below.

DUTERTE AND HUMAN RIGHTS

Madami na namang lumalabas na article tungkol sa human rights violations ni DU30. Ito ang issue nila ni Maam Leila, Etta Rosales at iba pang HR advocates. Bilang professor ng Constitutional Law and Human Rights sa San Beda Law, marami ang interesado sa posisyon ko ukol duon.

Eto po ang sagot ko:
Malawak ang konsepto ng HR. Sa Universal Declaration of Human Rights ng UN, ito ay pangkalahatang aspeto ng pagkatao. Kaya nga masama pa din ang loob ko kay Pacquiao dahil masahol pa sa hayup ang tingin niya sa akin. Kasama sa human rights ay ang karapatan na maging masaya, mapayapa, masagana at sa malinis na kapaligiran.

Ang sinasabi nilang alleged violation ni Mayor ay isang aspeto lang ng HR, yung rights of the accused and the presumption of innocence. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ito. Kaya ko nga tinanggap ang trabaho bilang abogado ni Napoles dahil naniniwala ako sa halaga nito.

Eto ang inamin ni Mayor, may napatay siyang mga krimjnal. Yung isa ay nanghostage ng bata at karamihan ay yung mga drug lords na habang hinuhuli ay lumalaban ng barilan. Sinasabi ng iba na violation kasi yung after nakipagbarilan tapos sumuko na ay napapatay pa din ng mga operatives.

Pero ito ay paratang na patuloy na iniimbestigahan pero walang kasong isinampa. Una, dahil walang ebidensya. At pangalawa, dahil kahit hindi natin aaminin, walang may ganang kasuhan ang taong pumatay ang isang walang kaluluwang kriminal na walang pusong papatay ng kahit sino pero sumuko dahil naubusan ng bala. Kung ako ay nasa posisyon ng pulis na nakipagbarilan sa taong yun, hindi ko masisiguro na hindi ko siya mapatay kahit pa sumuko siya. Kasi maiisip ko:

Andaming buhay ang sinira ng droga na binebenta mo, yumaman ka at gusto mo akong patayin. Pero dahil minalas ka at ubos ang bala mo, mabubuhay ka. Makukulong ka pero tuloy ang ligaya sa loob. Mabibili ng pera mo ang matatalinong abogado at pwde ka maibail or mapawalang-sala. Patuloy mo pa ding sisirain ang buhay namin.

Kaya eto ang tanong ko sa lahat ng nag-aakusa:
Kung nasa ganyang posisyon kayo, hindi ba kayo mapapaisip na tapusin na lang ang paghihirap ng mga biktima niya?

Madaling mag-akusa. Madaling magsabing hindi makatao na gawin yun. Pero naisip niyo ba na kriminal na ang napatay mo. Lumaban ito ng baril kaya marunong na itong pumatay. Walang presumption of innocence dito kasi nakita mo na pinapatay ka na ng hayup na ito. Justified ba ang pumatay ng terrorista o drug lord na sumuko dahil naubusan ng bala?

Sa batas: syempre hindi. Pero gagawin ko ba? Maaring pwede. At human rights violation ba ito ? Dalawa ang pwedeng interpretasyon nito.
Kung iisipin mo lang ang rights ng lahat ng mga naakusahan at nanglaban habang hinuhuli, hindi ito katanggap-tanggap.

Pero karamihan ng Pilipino ay hindi inakusahan at nanglaban. Hindi kami matatakot na mangyari sa amin ito kasi kahit man ay may nagawa kaming kasalanan sa batas, hindi kami manlalaban para mapatay. Susuko kami at ilaban ito sa hukuman.

Pero lahat ng tao ay may karapatan na mabuhay sa isang lipunan na mayapa ay matiwasay. May karapatan tayo umalis ng bahay natin na hindi natatakot manakawan o mapatay. May karapatan tayong matulog na hindi iniisip malooban ang bahay. Ito ang karapatang ninakaw na sa atin kasi kailangan natin magbayad ng mahal just to feel safe.

Bakit? Kasi, hinahayaan ng ating mga pinuno na abusuhin ng mga malalaking kriminal ang sistema. Hinahayaan nila yun dahil nung tumatakbo sila, tumanggap sila ng pera sa mga taong yun. Kasi karamihan sa kanila mga lehitimong negosyante na may mga lehitimong negosyong pantago sa mga illigal nilang gawain. Kaya sila may perang pambayad. At ito ang dahilan na patuloy tayong ganito.

Ang human rights ay para sa mga tao hindi sa mga kriminal na nagpapanggap na tao. Hindi human rights violator si Mayor.

Karamihan ng Pilipino, takot. Takot sa gutom. Takot sa kawalan ng pag-asa. Takot sa krimen. Eto ang human rights violation.
Bruce Villafuerte Rivera, kain na at baka pumayat ka.

DUTERTE AND HUMAN RIGHTSMadami na namang lumalabas na article tungkol sa human rights violations ni DU30. Ito ang…

Posted by Bruce V. Rivera on Sunday, March 27, 2016


What can you say about this post?

Loading...

19 Comments

  1. Glenn March 28, 2016
    • josephine safucay March 29, 2016
      • Coderinthebox March 30, 2016
  2. a March 28, 2016
    • b March 28, 2016
      • belle abdurahman March 28, 2016
      • teresa tumbali March 29, 2016
        • Moi March 30, 2016
  3. Danny March 28, 2016
  4. nancy ferrer March 28, 2016
    • Jonby March 29, 2016
    • jj April 20, 2016
    • ROGELIO NALZARO June 10, 2016
  5. Josef C Ribo March 28, 2016
  6. Ed Omilig March 28, 2016
  7. Ed Omilig March 28, 2016
  8. Alexander A. Laplana March 29, 2016
  9. Trouse March 29, 2016
  10. sunshine May 25, 2016

Add Comment