MMDA spokeswoman burns VP Leni Robredo on allegation MMDA’s strict enforcement of yellow-lane policy “discriminatory” & “anti-poor”

MMDA spokeswoman Celine Pialago is back to her combative self after VP Leni Robredo described MMDA’s enforcement of the yellow-lane policy “discriminatory” and “anti-poor.”

Pialago said in jest that it seems she needs to repeat her open letter. But before that, she acknowledged the respected elected public officials for listening and understanding their situation, which the public are very grateful for the gesture.

Pialago remarked that all policies of the MMDA have birth pains but Pialago asked why all of the statements from Robredo, the poor are always highlighted as victims?

Pialado asked if this was intentional to anger the poor against the MMDA? Or was the statement designed in such a way that the poor will have a close mind, make them ignore whatever explanation that comes from the agency.

Pialago said that the MMDA is open to criticism and even if critics will criticize them on a daily basis, they will remain unperturbed. Once again, Pialago wrote, she will respond to Robredo using data, studies and realistic assessment of the what really are the true Calvary of EDSA.

Pialago took this opportunity to respond to the latest criticism by telling critics like Robredo that the MMDA does not DISCRIMINATE.

Pialago assured Robredo that all MMDA policies that are being implemented were carefully studied and acted upon by the Metro Manila Council. As Pialago explained in the first open letter, the MMDA is composed of Metro Manila Mayors, all policies is thoroughly studied before putting it to a vote. After that, an information campaign drive is initiated, dry run, then a public hearing before it is implemented.

Pialago, again, explained to Robredo what is the “yellow-lane” policy and why “strict enforcement” is important.

Anyway, we are just halfway of Pialago’s open letter to Robredo and if you have read her open letter addressed to Poe, she was simply reiterating her arguments, points and explanation to the Vice President.

In case you missed the first open letter, you may read Celine Pialago’s open letter to Leni Robredo below now.

Mukang uulitin ko ulit ang aking open letter. 😢 Sa lahat po ng respetadong elected public officials sigurado po akong lubos na nagpapasalamat ang ating mga kababayan dahil kahit papa ano ay naririnig at nakikita ninyo ang kanilang sitwasyon.

Alam namin na halos lahat ng polisiya ay may mga “birth pains”, pero bakit sa lahat ng statement ninyo, parang laging “naha-highlight” na biktima ang mga mahihirap? Para magalit sila sa amin? O para maging sarado ang kanilang kaisipan para hindi na nila tuluyang intindihin ang aming mga paliwanag.

Tumatanggap kami ng kritisismo at kahit araw arawin niyo pa yan ay hindi kami magiging sensitibo. Muli. Sasagutin ko kayo ng naayon sa datos, sa pag aaral, sa realidad kung ano ba talaga ang tunay na kalbaryo ng edsa.

Sa pagkakataong ito, PANGALAWANG SAGOT sa pinaka bagong batikos, hindi po kami nag NAG DIDISCRIMINATE.

Uulitin ko, lahat po ng polisiya na meron at ipinapatupad ang MMDA ay masusing pinag maralan at naipasa po sa Metro Manila Council. Uulitin ko po, naipasa sa METRO MANILA COUNCIL. Ang Metro Manila Council po ay binubuo ng mga Metro Manila Mayors, bawat polisiya po ay pinagbobotahan at pinag aaralan, nagkakaroon ng information campaign, nagkakaroon ng dry run, nagkakaroon ng public hearing bago maisakatuparan.

Nais ko lang pong ipaliwanag ang “silbi” ng yellow lane at bakit kailangan ng “strict enforcement”

Ang yellow lane ay para sa mga pampublikong sasakyan, mga city buses at taxi, ito po ang dalawang linyang nasa pinaka kanang bahagi sa edsa, dyan po sila nakapwesto dahil andyan din po ang ating mga designated loading and unloading area. Ang mga city buses po ay may tinatawag na bus segregation, ang iba po sa kanila ay mag tag na A, B o C.

Ang mga city buses na may letrang A ay maaring magbaba at magsakay (Southbound) : Ermin Garcia, Arayat Cubao, VV Soliven, Connecticut, Shaw Starmall, Guadalupe, Buendia Avenue at Mantrade. (Nortbound) : Ermin Garcia, Cubao Farmers, Boni Serrano, SM Megamall, Shaw Blvd, Guadalupe, Buendia Avenue at Magallanes. Ito din po ung mga mga city buses na maaring mag flyover at mag service road.

Habang ang mga city buses naman na may letrang B ay maaring magbaba at magsakay sa (Southbound) : Kamuning, Monte De Piedad, Main Avenue, POEA Ortigas, Pioneer/ Boni, Estrella at Ayala Avenue. (Northbound): Baliwag 5/star, Main Avenue, Ortigas Avenue, SM Megamall, Pioneer/Boni, Estrella at Ayala Avenue.

Yung mga Letrang C – Ito naman ung sasakay ka ng bus na malapitan lang ang byahe. Yung tipong one station lang ang layo ng iyong destinasyon.

Samantalang sa bahagi naman ng Quezon Avenue, North Avenue, Balintawak at Pasay o sa mga lugar na wala sa listahan ay inaasahang susunod lang sa ating mga tamang loading bays.

Ngunit ano ba talaga ang mga nagiging problema naten sa mga city buses na ito?

* Hindi sila sumusunod sa bus segregation, kahit hindi nila designated bus stops, pilit pa rin silang nagsasakay ng pasahero at magbababa sa mga alanganing lugar or worst makikipag sabayan sila sa mga bus na nasa tamang bus stops. Halimbawa ang city bus na may letrang A, ang ilan sa kanila ay nagbaba ng pasahero sa Ayala Avenue na para lamang sa city bus na may letrang B. Nakakadagdag sila sa volume ng mga city bus at a particular time. 
* Ipipilit ng ilang city buses ang bus stops na hindi para sa kanila kaya makikita ninyo na ang ilan sa kanila lalabas ng yellow lane at ipipilit na makapasok sa service road na nagdudulot ng pagbara sa mga pribadong sasakyan, dahil tutularan din ito ng ilang city buses. 
* Mga city buses na hindi nagbaba sa tamang loading at unloading area, marami sa kanila ang humihinto bago mag “tunnel”, sa third lane, dahilan para bumagal ang mga sasakyan dahil bukod sa ito ay nakahinto ang pasaherong tatawid papuntang sidewalk ay magdudulot din ng pagbabagal. 
* Ang mga madaming bilang ng kolorum na city buses. 
* Mga city buses na hindi dumadaan sa tinatawag na Bus Management Dispatching System. Dito kasi sa ating BMDS masisiguro natin na ang mga city buses ay madidispatch ng tamang oras ng hindi sila nagsasabay sabay sa yellow lane. Halimbawa; City buses na pa Southbound, ang mga ito ay dapat ma dispatch sa Fairview or Letre upang mapirmahan ang kanilang TRIP TICKET hanggang sa makarating sa dulo (Alabang o Tunasan) o sa kanilang huling destinasyon kung saan kailangan ma inspect muli ang kanilang TRIP TICKET at masiguro na sila ay nadispatch ng tama sa kanilang pinanggalingan. Ngunit hindi ito nangyayare, dahil sa kawalan ng disiplina, ang mga city buses na ito ay hindi na nagpapa dispatch at pinipiling magpapaikot ikot na lang sa edsa kung kayat kitang kita naman ang volume nila kahit hindi rush hour.

Anong ginagawa ng aming ahensya sa mga iba’t ibang challenges sa yellow lane policy

1. Strict enforcement ng yellow lane, sa pamamagitan nito, ang mga kolorum na bus ay madaling mabibisto. Mas madali rin ang random check sa mga bus kung dumaan nga ito sa ating mga dispatching areas. Mas organisado ang mga city bus at mas maliwanag kung san lang sila magbaba at magsasakay ng mga pasahero, paka tandaan lang na ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa third lane, kasama ang P2P Buses. Mas sistematiko para sa lahat dahil kung papabayaan ang mga city bus na ito ay babalagbag lang sila sa kung saan nila gusto. 
2. Deployment, solusyon dito enforcer. Alam naman namin kapag wala ng tao, wala ng nakatingin, magpapasaway na sila kaya kailangan may mga tao sa mga chokepoints o sa mga critical areas para mabilis silang matiketan o d kaya ay ma radyo for No Contact Apprehension.
3. No Contact Apprehension Policy

Kung may ginagawa naman pala ang MMDA bakit traffic pa din?

1. Volume (10,000/month ang nadadagdag sa Metro Manila). Hindi kami maaaring sisihin dito dahil nag panukala kami ng HOV Policy o High Occupancy Vehicle, napansin ba? db binatikos din? At hindi ito naaprubahan ng Metro Manila Council. Remember, lahat ng polisiya ng MMDA dapat sang ayunan muna ng lahat ng Metro Manila Mayors. 
2. Accidents (42/daily) ang average ng vehicular accidents na naitatala sa EDSA
3. 150 Perpendicular Roads going in EDSA. Ito ung mga kalsada, maliliit na kalsada na palabas ng EDSA, hindi niyo lang alam, nagdudulot yan ng pagbagal
4. Illegally parked vehicles, dahilan para hindi magamit ang ilang alternatibong ruta
5. 77 chokepoints, ito ang merging traffic, splitting traffic, u turns, left turns, intersections, school zones
6. Increasing population very obvious naman to. Rapid Growth and Urbanization
7. 47 Bus Terminals in EDSA
8. 15 Malls in Edsa hindi pa kasama ang mga Condo Building and Hotels na nasa EDSA
9. Maaaring lumaki na ang multa sa yellow lane policy na dating 300 naging 1000 ngunit hindi sapat ito para madala ang mga drivers. Kung sana ay pwede ang ma impound ng 1 linggo para sa violation na yellow lane. Ngunit ang mga ganitong usapin ay nangangailangan ng approval ng MMC o Metro Manila Council
10. Weather. Kapag masama ang panahon, kapag umuulan may pagbagal, at pagtapos ng ulan mararanasan ang mga potholes na magiging dahilan na naman ng pagbagal sa mga susunod na araw. Kaya naman ang mga road repairs at road reblocking ay ginagawa ng weekends. Dahil din sa ulan, kaya hindi makapaniket ang aming mga enforcers, bawal kasi ang basang ticket at alam naten na ang paniniket takes time. Another delay kapag nagkataon. 
11. Undisciplined drivers and passengers. Obvious naman ito. Hindi na kailangan ielaborate
12. Kaunting bilang ng road networks, o mga bakanteng kalsada na maari pa sanang magamit dahil ang ilan dito ay subdivision na o kampo. 
13. Public Transpo. Alam namin. At ito ay nasa pangangasiwa na ng DOTR, ang Skyway stage 3, MRT7, ang NLEX SLEX Connector, lahat ito paparating na. Pero sadyang kailangan naten pagdaan naten ang birth pains to achieve our dream. 
14. Kakulangan sa enforcers. Kailangan namin ng 7000 pero habang tinatype ko to ngayon nasa 2200 lang kami. 
15. Panghuli sa aking tingin, tiwala. Ayaw niyo magtiwala sa MMDA, sa polisiya na napagaralan, ayaw nateng sabay sabay subukan. Bagamat kakarampot lang ang aming kapangyarihan, alam namin nangingibaw ang demokrasya, kaya nga alam na alam ng mga kokontra kung paano patitigilin ang polisiya.

Wala naman tayong ginawa for 40 years esp in terms of traffic management and infratructures to address the demand to profit urbanization. Cars keep on multiplying while roads are not. Sa mga nagmamagaling, iba noon, iba ngayon. Konti palang kayo noon.

Kung hindi tayo gagawa ng solusyon may masasabi ang taong bayan. Ngaun pag maganda ang solusyon mawawala ang trapik. Aminado kami na mahirap ipatupad sa ngaun ang ilang policy, may TRO, may Writ of Preliminary Injunction, may pagkakataong hindi maaaprubahan sa Metro Manila Mayors, may pagkakataong hindi talaga possible.

Ngunit ang MMDA po ay hindi po titigil sa mga solusyon na sa tingin namin ay makakabuti.

Ang taong bayan ay may karapatang pumuna sa isang ahensiya ng gobyerno gaya ng MMDA, batikusin ang liderato hanggang mga tauhan nito, pero hindi po dito maaring magtapos ang aming mandato, sa natitirang dalawang taon at kalahati, hindi namin kayo susukuan kaya wag din kayo sumuko.

Maraming Salamat po. 
Photo Courtesy: GMA News

Your reaction?

Source: Celine Pialago

Add Comment