Scout Ranger officer speaks up on viral photo accusing soldiers of looting Marawi homes

A visibly hurt Scout Ranger official took to Facebook quashing allegations that soldiers looted Marawi residents in viral photo.

Credits to Lt. Col. Harold Cabunoc

Lt. Col Harold Cabunoc of the Scout Rangers defended the troops from malicious photo circulating online accusing the soldiers of stealing from the homes of the Marawi residents.

Cabunoc appeals for fairness and urges social media to look in the mirror before judging other people.

Read the post below.

Pinagpyestahan ng pangngutya ng iilang mababaw mag-isip at mapanghusgang Maranao ang Philippine Army dahil sa larawan na ito ng tropa nang magpull out mula sa Marawi City.

Makikita sa larawang kuha sa Iligan na karga ng mga trak ang mesa at upuan. Ayon sa poster, nakaw daw ang mga gamit. Ano ang kanyang basehan o ebidensya? Wala! Sanamagan!

Alam nyo kasi, kapag may troop deployments, nakasanayan na naming dalhin ang aming mga gamit na tipong di na kami babalik sa dating duty assignment. Ganyan ang Scout Rangers, strike anywhere! Ganyan na rin ngayon sa Maneuver Battalions.

Sariwa pa sa isip ko nang pinahinto ang retraining at i-pullout ang 12SRC mula sa Bulacan, para tulong sa combat rescue operations sa mga nabihag na opisyal sa Davao na si BGen Obillo at Cpt Montealto noong 1999. Pagdating namin sa Cebu, ipinaayos muna ang C130 kaya nagbigay si 1Lt Tex Suderio ng kautusan: “Pwesto!” “Pakals!” Within 5minutes, assembled na ang aming Musang dining set! Yes, para kaming Boy Scout, laging handa dahil dala dala namin gamit opisina kahit saan! Meron kaming upuan, mesa, computer, lutuan, at duyan!

Kaya kayong mga malisyosong nangungutya base lang sa imahe na iyan, wag kayo mapanghusga. Kung nakaw iyan, i-display kaya ng salarin? I-gamble kaya ng sundalo na masira ang tiwala at pagpupugay na naani nila dahil sa pagsakripisyo sa Marawi?

Sa mga Maranao at mga Muslim sa pangkalahatan na nangungutya dahil sa imahe na iyan, hinay-hinay naman kayo. Ayaw nyo rin namang husgahan na terorista at traydor dahil kayo ay Muslim at naka-hijab o nakabalbas! Ayaw nyo rin naman na kinatakutan o ma-discriminate dahil ang pangalan nyo ay Maute, o Arabic names gaya ng Abdurajak, Abubakar o Abdul Wahab!

Patas lang naman din ang gusto nating lahat kaya, manalamin din kayo muna bago mangungutya at manghuhusga ng iba.

Salaam!

As of this writing, Cabunoc’s post has garnered 1,332 shares, 3,544 reactions and 822 comments on Facebook.

Your reaction?

Loading...

One Response

  1. Aphetsky Lasa October 31, 2017

Add Comment