The image of the Commission on Election (COMELEC) has been in tatters after allegations of vote rigging surfaced in 2010.
Atty. Glenn expressed alarm after COMELEC made a request to the PET (Presidential Electoral Tribunal) to have a “temporary prior custody” of the ballot boxes and all its contents inside such as the following: Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL), Voter’s Registration Record (VRR), Book of Voters (BOV) and the data storage devices used in the 2016 election of the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
The request is made in light of the electoral protest filed by Abdusakur Tan contesting the win of incumbent ARMM Governor Mujiv Hataman.
So without further delay, let me direct your attention to the full text of the post of Atty. Glenn Chong below.
ISANG MALAKING PANGANIB
Sumulat ang COMELEC upang humingi ng pahintulot mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibigay sa kanila pansamantala ang “temporary prior custody” ng mga ballot boxes, mga laman nito, pagsagawa ng recount ng mga balota, iba pang election documents/paraphernalia, pati na ang mga Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL), Voter’s Registration Record (VRR), Book of Voters (BOV), at mga data storage devices na ginamit noong nakaraang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
Gusto ng COMELEC na sila ang maunang magrecount ng mga balota galing sa ARMM dahil may protesta si Abdusakur Tan laban sa nakaupong Gobernador na si Mujiv Hataman.
Kung pahihintulutan ito ng PET, ang COMELEC ang kukuha ng mga ballot boxes at election documents/paraphernalia mula sa ARMM. Pagkatapos ng recount sa COMELEC, saka na lang ibibigay ang mga ito sa PET.
Ito ang malaking panganib…
Nakagawian na talaga ng sindikato sa COMELEC kahit pa noong mano-mano pa ang halalan at hanggang ngayon na automated na ito, na minamaniubra talaga ang mga balota. Pinapalitan ang mga orihinal na balota ng mga pekeng balota upang manalo ang kliyenteng nagbayad. Ginagawa ang pagpapalit na ito kapag dumating na sa Manila ang mga ballot boxes mula sa mga probinsiya. Sa bodega ng COMELEC nangyayari ang karatanduhang ito.
Noong 2010, ang “access fee” o ang bayad upang mapalitan ang mga balota ay nasa P3 million at ang “ballot fee”o ang bayad ng mga pekeng balota ay P500 bawat isa – ang kabuuang halaga nito ay depende kung gaano karaming balota ang dapat palitan.
Kung ibibigay ng PET ang “temporary prior custody” ng mga ballot boxes at election documents/paraphernalia sa COMELEC, magagawa na nila ng malaya ang pagmamaniubra ng mga balota dahil kontrolado na nila ito.
At hindi mahirap maniubrahin ng mga balota mula sa ARMM dahil ang nagprotestang si Abdusakur Tan ay para kay BBM at ang nakaupong prinotesta na si Mujiv Hataman ay para kay Robredo. Ibig sabihin, hindi magkasalungat ang magkabilang partido kaya madaling gawin ito.
Haharangin man ito ni BBM, ang PET pa rin ang magpapasya kung ibibigay ito sa COMELEC o hindi. Pero kung ibibigay man ito sa COMELEC, dapat talagang bantayan ito ng husto dahil sobrang talamak ang dayaan sa ARMM.
In the event the PET grants the request of the COMELEC, Atty. Glenn Chong offers a counter-measure to prevent vote rigging from happening.
Isang mabisang paraan ay maglagay ng mga independent CCTV cameras sa buong bodega ng COMELEC kung saan nakalagak ang mga ballot boxes at dapat naka-livestreaming 24/7 sa internet upang mabantayan ito ng mga netizens ano mang oras. Ito ay isang mabisang paraan upang makatulong man lang ang mga sumusuporta kay BBM na magbantay upang hindi na muling madaya pa.
Magtalaga rin ng mga bantay 24/7 sa mga entrance at exit points ng nasabing bodega upang hindi makakalusot ang binayaran ng “access fee.”
Trust me, kilalang-kila ko ang mga COMOLEC na ito!
Check out the screenshot of the COMELEC letter addressed to the PET below.
As of this writing, Atty. Glenn Chong’s post has gathered 1,798 shares, 1,700 reactions and 613 comments.
Your reaction, please!