Here’s the DOTr’s response to Sen. Poe asking Sec. Tugade to step down: “Traffic management ay hindi bahagi ng mandato ng DOTr.”

Just this morning, the headlines of online newspapers and major news companies bannered Sen. Grace Poe’s call for the President to replace Sec. Art Tugade of the DOTr for under-performing, particularly in resolving the crippling Metro Manila traffic.

Netizens who are pro-administration quickly brushed aside Poe’s call to Duterte axe Tugade.

Some even joked that if there’s anybody who needs to go, it’s Poe.

Before lunch time, the Facebook page of the DOTr wrote a blistering response to Grace Poe’s call to fire Tugade from DOTr.

Firs and foremost, the DOTr clarified that traffic management is not part of the mandate of the DOTr.

Tugade’s name was floated around as the Traffic Czar in 2016 when the Duterte gov’t requested for an emergency powers.

But since, the emergency powers has been in the freezer, Tugade is not Traffic Czar.

On Poe’s insinuation that Tugade is “lazy” and underperforming, the DOTr enumerated the several achievements of the DOTr under Tugade including the completion of 64 airports all over the country while 133 airport projects are under construction.

You may read DOTr’s full FB post in response to Grace Poe below.

Dear Senator Poe,

Una sa lahat, nais po naming klaruhin na ang traffic management ay hindi bahagi ng mandato ng DOTr.

Bakit po ba lumutang ang pangalan ni Secretary Tugade sa pagresolba ng traffic? Ito ‘ho ‘yon:

Taong 2016, hiningi po na mabigyan ang Pangulo ng emergency powers upang makatulong sa pagresolba ng traffic sa bansa. Sa proposed bill na hindi naman po naisabatas, si Secretary Tugade ang nakalagay na “traffic czar”.

Sana po malinaw. Hindi ‘ho sa naghuhugas ng kamay. Nagsasabi lamang ‘ho ng totoo.

Sa ilalim ng mandatong saklaw ng DOTr, hindi ‘ho patas na paratangang “underperforming” ang Kalihim ng Transportasyon dahil hindi ito totoo.

Sa unang tatlong taon pa lang ng administrasyong Duterte, ito po ang mga nagawa ng DOTr at ng mga attached agency sa ilalim ng matayog na pamumuno ni Secretary Tugade:

– nakapagtapos ng 64 airport projects sa buong bansa
– 133 airport projects nagpapatuloy
– nakapagtapos ng 220 commercial at social/tourism port projects
– 121 commercial at social/tourism port projects nagpapatuloy
– naumpisahan ang konstruksyon ng apat (4) na railway projects
– ipinagpatuloy ang konstruksyon ng dalawang (2) iba pang railways
– nagbukas ng isang (1) landport
– 952 transport cooperatives ang lumahok sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Ilan pa lang ho ‘yan. Marami pa ‘hong iba.

Madam Senator, hindi ‘ho ugali ni Secretary Tugade ang matulog sa pansitan. Kaya nga ‘ho nagpapatupad ang Kagawaran ng 24/7 construction at nagpapairal ng partial operability timelines dahil mismo sa kagustuhan niyang makapaghatid agad ng serbisyo-publiko sa transportasyon sa mga Pilipino.

Katunayan, kanina po ay nasa Maguindano siya para isulong ang PUV Modernization sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ngayon ay nasa Cotabato City naman siya upang makipag-usap sa Ministry of Transportation and Communication sa BARMM upang hawak kamay na maisulong nang mabilis at maayos ang mga proyektong pang-transportasyon sa lugar.

‘Yan po ang aming Kalihim. TRABAHO, GAWA, at hindi puro salita.

Salamat po.

Your reaction to this?

Add Comment