Ira Panganiban’s “Matagal na ako nagbago, ngayon kailangan ko pinuno nagbago”

We Filipinos have been told to change ourselves, lest we can expect CHANGE in the country.

Meanwhile, is it too much to ask our LEADERS to CHANGE as well for the sake of the country? The post below summarizes the sentiments of the Filipinos who have done their part as a good Filipino citizen. And now, we have come in full circle and elects a new set of leaders on May 9.

Image and video hosting by TinyPic

In a Facebook post shared 210 times, exactly 7 hours after it hit online, Ira Panganiban, Editor in Chief of Wheels Philippines Magazine lamented that country’s problems are not solely because the people are not doing its part, but due to the failure of its leaders to change themselves for the good of the country.

In the post, Mr. Panganiban paid tribute to the peasants, fisher folks and the ordinary workers who religiously paid their dues, follow the law or even go overseas to earn dollars – keeping the country afloat during economic crisis.

He remarked that despite the sacrifices of the people to change from within if the leaders who rule the country are not doing the part, everything else is futile.

Please READ the FULL POST below:

This is my last election related post.

Ako ay Pilipino.
Matagal na akong nagbago.
Gumigising ako ng maaga
Para magsaka, mangisda o magtrabaho.
Masinop na binabayaran ang buwis ko.
Matamang sinusunod ang batas ng Bayan ko.
Lumuluwas sa ibang bansa para makalikom ng mas malaking suweldo.

Pero ang lahat ng pagbabago ay walang saysay sa buhay ko,
Kung magnanakaw, walang pakialam, at mapagsamantala ang aking mga pinuno.
Lahat ng pagbabago sa sarili ko ay sayang kung nauubos ang oras ko sa trapiko.
Lahat ng pagbabago ko ay walang silbi kung ang buwis ko ay napupunta lang sa bulsa ng politiko.
Lahat ng pagbabago ko ay para sa wala kung araw araw ay nagugutom ako.
Lahat ng pagbabago ko ay walang kuwenta kung imbes na tulungan at pakainin ay babarilin ako.
Lahat ng pagbabago ko ay sa wala, kung ang namumuno sa akin ay sarili lamang ang sentro.

Oo, matagal na akong nagbago.

Ngayon, ang kailangan ko naman ay pinuno na nagbago.
Pinuno na pinagsisilbihan ako.
Pinuno na inuuna ang kapakanan ko.
Pinuno na hindi sa ibang bansa nagpapa-pogi kundi sa Pilipinas at sa Pilipino.
Pinuno na ang importante ay hindi sila kundi akong Pilipino.

Masyado bang labis ang hinihingi kong pagbabago?
Na sasagutin ninyo ako na simulan ko ito sa sarili ko????
Ang change na gusto ng Pilipino ay change ng ugali ng aming pinuno.
Hindi kami humihingi ng milagro, yun lang maramdaman namin na kapakanan namin ang interest ninyo.

Yun lang!!!!

What can you say about the post?

SOURCE: IRA PANGANIBAN – Editor in Chief of Wheels Philippines Magazine

Add Comment