In reaction to the Supreme Court decision junking de Lima’s petition to make his warrant of arrest illegal, Sen. Antonio Trillanes allegedly said that even the SC is now under Duterte’s control.
“Korte Suprema, kontrolado na rin ni Duterte matapos ibasura ang hiling ni De Lima na ipawalang-bisa ang warrant of arrest laban sa kanya.”
Amidst unfair criticism from de Lima’s supporters and colleague Sen. Antonio Trillanes, a retired radio and TV broadcaster Jay Sonza defended the SC decision denying de Lima’s petition questioning the legality of her arrest.
You may read the post below.
PARA MALINAW PO
Iyong desisyon ng Korte Suprema na manatili si Sen. Leila de Lima sa kulungan ay bunsod ng kanyang kahilingan na mapawalangsaysay ang kaso niya sa Regional Trial Court ng Muntinglupa dahil wala daw jurisdiction ang Department of Justice at RTC sa kaso niya.
Ayon sa senador nagkaroon ng paglabag ang Muntinglupa RTC sa paghawak ng kanyang kaso, pati ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa Bicolanang mambabatas.
Ang gustong mangyari ni de Lima ay ang Ombudsman ang dapat nag-imbestiga at nagsamapa ng kaso laban sa kanya sa Sandigangbayan. Samakatuwid, ang sabi niya, dahil hindi saklaw ng DOJ at RTC ang kaso, eh, bale wala iyong warrant of arrest niya at mali ang kanyang pagkakakulong. Therefore bale wala ang lahat at dapat siyang makalaya.
Ang 6 na mahistrado, sina justices Sereno, Carpio, Bernabe, Leonen, Jardeleza at Caguioa ay kabig sa petisyon ng senador.
Samantala, iyong 9 na mahistrado, sina justices velasco, del Castillo, de Castro, Peralta, Martires, Tijam Gesmundo, Reyes at Bersamin ay tumutol sa petisyon ng senador.
Sabi ng apat sa siyam, sina Justices de Castro, Peralta, Martires at Gesmundo, na pawang dating mahistrado ng Sandiganbayan, hindi tama si Leila at ang kasong kinakaharap niya ay hindi puwedeng imbestigahan ng Ombudsman at dinggin ng Sandigangbayan.
Kasabay nito sinabi ng Korte Suprema na ang mga State Prosecutors mula sa DOJ ang siyang hahawak ng paglilitis sa mga kaso laban kay de Lima sa Muntinglupa RTC Branch 204 at 205 at hindi ang Ombudsman.
Tama ka Bryan Neyra, kung gusto niyang pasaklaw sa kanyang kaibigang Ombudsman dapat sampahan siya ng kasong administratibo. eh, wala pang ganoong kaso. Maliban na lang kung gusto niyang ihabla ang sarili niya.
Suma total – Hindi Ombudsman ang magsisiyasat at magsasampa ng kaso. Hindi rin ang Sandigangbayan ang tamang korte para litisin ang kaso
Sa madaling salita tama ang pagkakahabla at pagkakakulong kay Leila de Lima at dahil ang kaso ay mabigat, hindi puwede ang piyansa.
Sana po nalinawan na kayo.
Your reaction?