Meanwhile, in Marcos election protest against Robredo, Atty Glenn Chong gives us 3 good reasons to cheer up!

If you are Marcos supporter or simply hates Robredo, Atty. Glenn Chong just announced 3 good reasons to cheer you up lately.

Atty. Chong described Leni Robredo’s debacle yesterday in the Presidential Electoral Tribunal as “triple whammy”.

You may read the post below now.

ROBREDO SINUPALPAL NG PET SA TANGKANG PIGILAN ANG DECRYPTION AT PRINTING NG MGA BALLOT IMAGES

Na-triple whammy ang kampo ni Robredo sa araw na ito!

Sinimulan kanina ng Comelec ang decryption process o ang pagsalin ng mga ballot images o larawan ng mga balota mula sa encrypted format nito (hindi mababasa) sa decrypted format (picture image) upang mabasa. Sumailalim sa decryption process ang mga balota mula sa 3 pilot provinces na pinili ni BBM – Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Pagkatapos ng decryption process ay susunod ang pagprinta ng mga decrypted ballot images. Kapag nakuha na ang printed ballot images ay susuriin ito bawat isa upang makita kung may pagkakaiba sa bilang ng makina at mano-manong bilang, at kung may iba pang mga anomalyang lalabas sa mga larawang ito ng mga balota. Aabot sa 4 na linggo ang pagsusuri ng lahat ng mga larawan ng mga balota. At dahil hindi humiling si Robredo ng decryption at printing, wala siyang kopya ng mga larawan ng mga balota.

Matatandaang pinahintulutan ng PET ang hiling ni BBM na isagawa ang decryption process bago pa man magsimula ang opisyal na mano-manong pagbilang sa PET. Pero kaninang umaga, ang mga abogado ni Robredo ay nagtangkang pigilan upang maantala na naman ang gagawing decryption proceedings sa Comelec. Ilang beses na ring ginamit ng kampo ni Robredo ang mga dilatory tactics tulad nito sa maraming pagkakataon. Malinaw na ang pag-antala lamang sa buong proceso ng protesta ang tanging stratehiya ng kampo ni Robredo.

Kung talagang totoong nanalo si Robredo, dapat siya pa ang magmamadaling bilanging muli ang mga balota upang mawala ang pagdududa sa kanyang pagkapanalo. Pero ang stratehiyang ginagamit nila ay nagpapatunay lamang na takot talaga silang mabuking ang dayaang ginawa ng sindikato at malaman na talo pala talaga siya.
HINDI PUMAYAG ANG PET na harangin na naman ng kampo ni Robredo ang decryption proceedings kaya natuloy na ito kanina. Sa halip, inutusan pa ng PET ang exploratory teams nito na pumunta na sa 3 pilot provinces upang masimulan ang pagkuha ng mga balota mula sa mga lugar na ito.

Iniutos din ng PET na ang Comelec ang magbayad, hindi si BBM, sa gastos ng postal at storage ng mga ballot boxes na nakaimbak sa mga embahada at konsulado sa ibang bansa. Gusto kasi ng Comelec na si BBM ang papagbayarin sa mga gastos na ito. Sadya talagang pinapalaki ng Comelec ang gagastusin ni BBM sa protesta sa pagbabakasaling aatras siya. Pero hindi ito umubra sa PET.

Kaya ayan, triple whammy si Aling Leni!

Netizen Lea Criscitelli says on the good news from Atty. Chiong: “Thanks for the good news Atty Glenn. at least we now know that BBM’s protest is moving especially now that PD30 forced him to resign immediately which means the country can’t stomach his presence in the Comelec. it’s more degrading the way he was kicked out this time. although we will missed the juicy news that the impeachment will reveal.”

Photos from Atty. Glenn Chiong showing the PET in action.

Your thoughts?

Add Comment