Must read! Explainer of RA 10592 or Good Conduct Time Allowance Rule passed during Noynoy Aquino’s admin by a non-lawyer makes round on social media

Some of us aren’t comfortable when confronted with legal terms but since the issue of former Calauan Mayor Antonio Sanchez exploded on social media, we’ve been bombarded once again with terms like RA 10592 and GCTA otherwise known as Good Conduct Time Allowance Rule.

I tried reading the FB post of government prosecutor Darwin Canete explaining RA 10592 but I quit before I reached the 3rd paragraph after I starting to feel dizzy.

But here comes radio host Mark Lopez to our rescue!

In a Facebook post, Lopez explained RA 10592 or Good Conduct Time Allowance Rule like he was talking to a Grade 5 pupil.

Using Filipino as a medium in explaining the law that has made former Calauan Mayor Antonio Sanchez a raging topic on social media lately is a welcome development.

You may start reading mark Lopez full FB post below now.

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

Bakit nga ba naipasa ang RA 10592 o yang Good Conduct Time Allowance Rule nung panahon ni Noynoy Aquino?

Kasi ang intention ng batas na yan ay mapaikli ang prison sentence ng mga person deprived of liberty or PDLs or yung mga nakakakulong, either due to preventive imprisonment o ung mga na sentensyahan na.

Maganda naman sana ang pinaka objective ng batas na yan, dahil ang gusto mangyari ay maging restorative o rehabilitative ang punishment sa mga preso, at hindi naman ganun ka punitive o retributive, at para din mabawasan o ma decongest ang mga kulungan.

Kaya lang, nung ginawan nina Leila de Lima at Mar Roxas ang IRR nyang batas na yan, ang isang provision eh PROSPECTIVE lang ang application, meaning ang makikinabang lang ay yung mga potential na makukulong after the law was passed in 2013.

Kaya meron din lumalabas na spekulasyon na isang naging motibo din dito para ipasa ang batas na ito eh para sa kapakanan nina Noynoy, Mar at iba pang mga KKK (Kamaganak, Kaibigan, Kapartido) na puedeng makulong in the future.

Posible di ba?

Kaya lang, nag reklamo ang mga Human Rights groups tulad ni Rene Saguisag at yung FLAG at ayun nag petition tuloy sa Supreme Court na dapat RETROACTIVE ang application ng RA 10592.

At dahil nakabaon yan at intrinsic o fundamental doctrine sa criminal law “that penal laws when favorable and advantageous to the accused, should be applied retroactively,” kaya pumanig ang SC at unanimous nga ang desisyon.

Pero dahil jan, lumalabas nga na ang UNINTENDED CONSEQUNCE ng ruling eh NADAMAY ANG MGA LUMANG KASO TULAD NG KAY ANTONIO SANCHEZ.

Ayan ha para malinaw lang.

Walang pardon o clemency na balak ibigay kay Sanchez ng current administration. Hindi yan nakaplano.

Na swerte lang sya at na timing na yung batas na pinasa nina Noynoy eh kasama sya makikinabang.

Pero malinaw din na hindi yan basta basta at may mga kondisyones din ang pag apply ng GCTA.

Maganda sana kung naging malinaw lang ang batas kung sino ang mga preso na puedeng mag avail nito, especially sa mga presong hindi naman ganun kabigat ang krimen.

Sana lang naging klaro at malinaw na hindi dapat kasama ang mga convicted ng heinous crimes.

Hindi kasi masyadong maganda ang pagkaka latag ng RA 10592. Medyo may butas eh.

At yan yung puede ma exploit ng mga katulad ni Antonio Sanchez.

At kung sakali man na makitaan din ng palusot ng mga abugado ni Sanchez ang RA 10592, at ipilit na entitled sya dito sa rule na ito, kelangan talaga ngayon ng Kongreso na linawin o baguhin ang nasabing batas.

Your comment?

Source: Mark Lopez

One Response

  1. Wally demasurpan August 27, 2019

Add Comment