Netizen talks how war on drugs, TRAIN law, Build, Build, Build etc, under Duterte admin have made a positive impact on his life

President Duterte has just finished the first half of his six-year term and critics have nothing but negative things to say despite the posititve and palpapable changes happening in the country.

But let’s not allow the critics and haters of PRRD to triumph and let their negativity stops us from sharing netizen Noel Sarifa’s story how the reforms PRRD instituted have made his life more comfortable when compared to previous administrations.

In the Facebook post, Sarifa discussed four important issues that the Duterte government have addressed which according to him, have made a huge positive impact to his life – TRAIN Law, peace and order, public transportation and government service.

You may read Noel Sarifa’s full FB post below.

Tatlong taon na simula ng maging Presidente is Pangulong Duterte, may Build Build Build, andaming batas na ang naipasa, may war on drugs, andaming foreign loans and investment ang pumasok sa bansa. Pero ano nga ba ang naitulong neto sa akin personally? Bilang isang ordinaryong Pilipino, bilang isang mamamayan?

Unang-una Financially Duterte was able to help me. Not that he has given me any monetary value but because of the Train Law, ang pagtanggal ng buwis sa kumikita ng 22,000 and below ay malaking bagay para sa akin, nadagdagan ang kita ko, ang naiiuwi kung pera. Kung dati medyo gipit at di alam kung paano pagkakasyahin ang sahod sa loob ng isang kinsena, ngayon ay medyo nakakaluwag na. Kung dati sumasakit ang ulo ko sa tuwing nakikita ang payslip kasi ang laki ng napupunta sa tax, halos wala ka pang naasahan sa gobyernong tulong o nakikita man lang nagagawa ng taxes mo ang bigat sa loob, ngayon nakikita mong ang daming projects na ginagawa at natatapos ng gobyerno and wala ka pang kaltas sa sahod. Ang sarap sa pakiramdam.

Pangalawa yong sa Public transportation, dito talaga lumalim ang galit ko sa gobyerno noon bilng isang daily commuter. Sobrang lala ng MRT service at kahit alam na ng gobyerno ang problema, imbes na agapan ay lalo pang lumala ang problema, kumunti ang tren, laging may sira , at lalong naging matraffic sa EDSA, pahirapan pa ang pagsakay ng bus. Araw-araw kang makikipagbakbakan at makikipagbuno sa kalsada para lang makapasok sa trabaho at makauwi ng bahay. Wala silang pakialam kasi hindi naman nila nararanasan ang hirap ng taong bayan. Ngaun, alam nating marami pang kailangang gawin pero kahit papaano lumuwag ng bahagya traffic at naging mas madali ang pagcommute sa tren. Ung dating pilang humahaba ng halos isang Kilometro at pilang inaabot ng mahigit isang oras, ngayon nakakasakay ka na in less than 20 minutes. Ang laking tulong ng P2P bus augmentation project ng DOTr para mabawasan ang commuter ng MRT Train.

Sunod is yong safety ko sa daan. Dati rati ang daming tambay and mga kabataang nagpopot session sa lugar namin. Hindi ka mapakali kung may gulo o may pulis na baka magkaroon ng raid. Ngaun 7pm pa lang tahimik na ang lansangan. Feel mong walang gagawa ng masama sayo.

Sa Government Service naman, katulad ng pagkuha ng NBI Clearance. Noon kailangan mong pumila na ng madaling araw para makakuha ka ng clearance. Ung haba ng pila at bagal ng prosesso sobrang pahirap talaga, kailangan mong magleave sa trabaho ng isang araw, tapos pipila ka ng buong araw, gutom, pagod at stressed ka. Ngaun in less than 20 minutes pwede ka nang makakuha ng NBI Clearance and kahit sa ibang government agencies, tulad ng LTO at DFA. Ramdam na ramdam at kita mo ang improvement ng services. Wala ng mga Fixers at mas nakikita mong nagtatrabaho na ang mga government employees na dati mas madami pang chikahan at pagcecellphone kesa atupagin ang mga taong nakapila.

Naranasan ko ring gamitin ang presidential hotline, 8888 at 911. Nakakatuwa na dati pakiramdam natin kalaban natin ang Gobyerno, ngayon ay nakakapagsumbong na tayo sa gobyerno at inaaksyunan. Madaming pagbabago ang nangyayari ngayon at ang sipag ng ating presidente, siguro imbes na itanong natin kung ANO BA ANG NAGAWA NI DUTERTE PARA SA AKIN? Sa dami nyang ginagawa, a very hard working president, bilang isang mabuting mamamayan mas mainam siguro kung tanungin natin ang ating mga sarili. ANO BA ANG NAITULONG KO SA PRESIDENTE SA LOOB NG TATLONG TAON? ANO BA ANG NAITULONG KO SA BAYAN, SA KAPWA KO PILIPINO BILANG ISANG MABUTING MAMAMAYAN?

Do you have the same positive experience like Noel Landero Sarifa? Do comment below for your response.

You may watch the video below wherein Noel talked about it on his vlog.

Your comment?

Source: Noel Sarifa

Add Comment