An open letter posted by an OFW in response to the Daniel Padilla interview wherein the actor told “know-it-all-netizens to shut up if you are not a registered voter is doing the rounds online.
In a Facebook post, netizen Ocid Bokal (pseudonym) expressed his displeasure of the teen actor’s condescending statement towards netizens whom he accused of running their mouths without even knowing the issues.
In the post, Ocid Bokal were hoping the open letter finds its way into the popular actor’s Newsfeed by sheer luck or divine intervention so he might know the sentiments of the overseas Filipino workers and the rest of Duterte supporters.
Please read the FULL TEXT below of the open letter:
OPEN LETTER TO MR. DANIEL PADILLA.
May 04, 2016
MR. DANIEL PADILLA
ABS-CBN TALENT/ACTORDear Mr. Daniel Padilla,
Sana ay makarating sa iyo ang sulat na ito para iyong malaman ang nararamdaman naming mga botante pati na rin ang aking kasagutan ukol sa iyong sinabi sa isang panayam.
Unang-una sa lahat ako ay hindi magma-magaling dito, tulad ng iyong tinuran sa mga hindi kamu botante at sabi mo pa na “shut up” na lang sila.
Hindi po yata tamang sabihing pagmamagaling ang paglalahad ng kanilang opinyon. At Mali yatang i-shut up mo sila dahil ba hindi sila botante. Para mo na ring sinabing nagmamagaling ka dahil botante ka!?Nais kong iparating sayo na kami ay nagbibigay lamang ng aming sariling opinyon at kami ay nakakasigurong kaya namin itong back-upan tulad din ng inyong sinabi.
At kagaya mo kami din naman ay open minded sa mga nangyayari ngaung eleksyon kaya nga’t kami ay lumalaban at nagpapakatatag sa mga panloloko at panlilinlang ng mga huwad na kandidato pati na ang (mga) media.
Kilalang-kilala po namin ang aming kandidatong sinusuportahan, at hinding-hindi kami magbabago sa aming desisyon.
At tungkol naman po sa inyong nabangit na parang martyr si Mar ay parang malabo naman yata un, dahil marami syang hindi nagampanan at dahil jan tulad ng sinabi nyo kaya sya nasisisi.Ito ang aking masasabi sa inyo, Mr. Daniel Padilla, nirerespeto ko ang inyong opinyon pero ipagpaumanhin mo dahil ako ay sumasalungat sa’yo.
Unang-una sa lahat, dahil ikaw ay Artista at anak mayaman, papanu kang nakakasiguro na dapat magpatuloy o iboto ang iyong Kandidato? Naranasan mo bang sumakay araw-araw sa MRT. Naranasan mo ba ang napakahabang pila, nakipagsiksikan ka na ba at pinagpawisan araw-araw bago ka makarating sa iyong trabaho? Nasaksihan mo ba ang tumutulong bubong ng MRT at ang matindi pa, naglakad ka na ba sa riles ng MRT dahil tumigil ito?Mayaman ka kasi, di mo nararanasan ang sumakay ng taxi at maholdap. May Bodyguard ka hindi mo kailangang maglakad mag-isa at di mo mararanasan ang biglang tutukan ng patalim o kaya naman ay hahablutan ng bag.
Pero siguro minsan sa paglalakbay mo, nakikita mo ung mga batang kalye na naka-rugby at namamalimos sa Edsa sa gitna ng Traffic, pati na rin ung mga pamilyang natutulog sa ilalim ng tulay.Sa lag-lag bala ano ang masasabi mo? ok lang ba sa iyo un, di ka ba naaawa sa mga pobreng biktima at kinakasuhan dito?
Pinagtatawanan na tayo sa buong mundo dahil dito. Tayo na nga ang may worst airport tapos dagdag pa yang lag-lag bala na yan.
Siguro ay ok lang sa inyo yan kasi pag pupunta kayo ng Airport ay hindi kayo matataniman ng bala kasi naka-VIP kayo.
Buti na lang pala noong magkaroon ng BLACK-OUT ay wala kayo sa Airport noon.Ang SAFF44 MASSACRE, pagkatapos silang ipain at mamatay hangang ngaun ay wala pa ring hustisya. Panu kaya kung isa dun ay kamag-anak o kapamilya natin. ganu kaya kasakit un?
Ang mga Yolanda Victims, kinumusta mo ba sila kung nakarating na sa kanila ang tulong ng Gobyerno.
Sa tingin mo ba ay naipamahagi na lahat nang donation mula sa ibang bansa?
Hindi ka ba nanghihinayang sa mga pagkaing nabulok na hindi naipamigay sa mga nasalanta?
Ang Kurapsyon, sa tingin mo ay totoong nawala o nabawasan man lang ito? Sa dinami-dami ng involved sa Pork Barrel, ilan na ba ang naipakulong bukod kay Jingoy at Bong Revilla? Si Napoles balita ko nakapag-piyansya daw…para sayo nararapat ba yun?Nga pala, siguro ay napanuod mo rin iyong interview ni Idol Robin, ung Uncle mo… sabi nya mismong sa loob ng bilibid daw ay niluluto ang shabu.
Si Robin ay sumasalungat sa Administrasyon dahil gusto nyang tuldukan ang sistemang ito. Ikaw ba, hahayaan mo na lang bang magpatuloy ang sistemang ganito?Bata ka pa, pero alam ko matalino ka. Kaya sana ay gamitin mo ang iyong impluwensya para sa ikabubuti ng ating Bansa.
Sana ay hindi totoong bayad daw ang mga artista tulad ng sinasabi nila.BASTA AKO, NANINIWALA AKO KAY DUTERTE PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO!
Ganunpaman, manalo o matalo ang ating mga kandidato, pagkatapos ng halalan ay kailangan nating magkasundo at magkaisa para sa bansa natin.
Salamat Kaibigan. Peace be with you!!
OCID BOKAL
FAMILY MAN, OFW
VENICE, ITALY
What can you say about the open letter?
Agree with ocid bokal’ lahat ng sinabi nya ay tama..kahit ako ay hindi botante pero umaasa parin ako na may magbabago sa pilipinas at maalis na ang mnga iresponsableng pinuno ng pilipinas..kanya kanyang pili ng iboboto para sa bagong presidente ng
pilipinas at hindi ako mananahimik lng na kahit hindi ako botante dahil gusto ko pa ring umuwi ng pilipinas kung ligtas at maayos na ang sistema ng bansa…kaya para kay daniel padilla…try mong mamuhay ng tulad ng mnga pangkaraniwang pilipino ng malaman mo kung bakit si Duterte ang gusto ng mnga tao…
me tama ka “ocid” pero ang sistema nangyari sa ating bayan ay para nang cancer na DIOS lang ata ang makabubuti nito. palagay mo kaya 3 to 6 months mawala na ang drugs at criminalty sa atin o maibsan man lang kaya? sa totoo lang ako ay talagang maniwala kay DUTERTE kung manalo siya ay agad-agad mag resign/aalis sa PUBLIC SERVICE ang mga anak niya…..pero kung hindi ay ganon pa rin wala pa rin tayong aasahan… yan ay maliit na bagay pero malaki ang maging epekto niyan kung talagang (TRUE) CHANGE (TOWARDS PEACE & DEVELOPMENT) IS REALLY COMING…..
mr. john calamba anong kinalaman ng pagbabago ng Pilipinas under the leadership of Pres. Duterte sa mga anak nya? walang ni isa sa kanila ang may issue sa kanilang pamumuno sa aming syudad sa Davao, instead like their father Pres. Duterete, are loved and respected by the people of Davao City.
Ikaw ang nagmamagaling tangina, ikaw wlang alam, talent fee lang alam mo at magkano nga pala bayad sayo sa pananalita mong banyan?hey mister toyoybpadilla, wag mayabang kasi lahat tayu sa kabaong ang hantungan!tangina
Hindi komo artista ka ay malakas na loob mo magbigay ng mga ganitong pahayag sa publiko. Siponin ka pa at hwag mo ipagmalaki ang munti mong kaalaman sa pulitika! Higit na iisipin ng tao ng naging bayaran ka din tulad ng ibang artista! Ang payo ko sa iyo…punasan mo sipon mo at samahan mo Uncle Robin mo sa pangangampanya para kay Duterte!
I did not read all of it, pero Hindi naman talaga tama ang tinuran ng aktor, lalo nat may freedom of expression po sa batas natin, ang pag shut up palang n sinasabi niya ay tumahimik at isiper ang bunganga, labag yan sa freedom of expression, try mo nga muna igala ang mga mata mo para makita mo ang nangyayari sa buong BANSA at Baka sakali malaman mo kung sinu ang dahilan Kung bakit nangyayari yan sa buong BANSa, ang mga kababayan natin karapatan yan Nila ang magsalita dahil Kung Hindi sila pwedeng magsalita papanu malalaman ng mga official sa gobyerno na nakakasama n pla ang mga ganito para sa bayan, ikaw Daniel papanu mo nalalaman ang mga sarili mong kamaliang nagagawa sa personal Mung buhay? Diba dahil sa pinagsasabihan Karin ng mom m about sa Mali mo? So don’t tell people to shut up just because they don’t like your bet in this coming elections, it’s their right to say something tayo ang mga kailangan ng mga kandidato Kaya may say ang lahat it’s their right to SAY….
Ikaw nga Daniel Padilla ay tumahimik, puede ba? Ikaw ang nagkukunwaring magaling pero sa totoo lang, wala ka namang nalalaman. Wag ka ngang mayabang! Naging artista ka lang akala mo kung sino ka ng magsalita! Buti sana kung marunong ka man lang umarte! Sinwerte ka lang totoy at yan ang lagi mong itanim sa utak mo.
tsk tsk tsk… bad move Mr. Daniel Padilla… pinakita mo na wala kang respeto sa ibang tao.
sa lahat ng sinabi mo na against sa yo eh para mo na rin binato ke uncle robin padilla :-p
si uncle robin me pinaglalaban, hindi bayaran, kun binenta mo sarili mo para sa kapakanan ng bayan e ano tawag sa ‘yo?
Ganun..shut up!….ngayon ko lang alam e bobo pala itong c Daniel Padilla…e sino naman sa mga padilla ang matalino…..cguro itong daniel padilla nato ay hindi nagbabasa o walang alam ng freedom of speech….freedom of expression…..walang batas na nagsasabing hindi ka pwede mag salita tungkol sa issues ma election man yan o hindi…kung hindi ka registrado…OMG….saan kaya nag aral ang batang ito…o nakapag aral ba kaya ito…hmmmm…