Open letter appeals to PRRD: “Pera po ng taumbayan yan na nagbakasakaling magkaroon ng mas magandang buhay. IBALIK PO NATIN SA KANILA.”

The KAPA scandal is certainly distressing among its members because of the amount of money involved.

Members are angry because after the government intervened,  losing their investment, some even have to sell properties or borrow money from loan sharks, is now a possibility.

Unless, PRRD does something, many members are looking at uncertain future after incurring huge debts because of a failed investment.

That is why some KAPA members have become irrational, pushing them to take their complaint to Facebook and worse, issuing threats like, “We will withdraw our support of PRRD and go with LP come 2022”.

Facebook blogger Noel Landero Sarifa, a Mindanaoan himself, perfectly understands the sentiment of his fellow Mindanaoans.

That is why, in a Facebook post, he made an emotional appeal to PRRD not to confiscate the money of KAPA but intervene and order the return of the  money of the poor people who were gullible to invest their hard-earned money to KAPA.

Sarifa said that the assets of KAPA in reality is owned by its members so it is but logical to return the money to them so that these people can return back to their normal lives.

Anyway, Sarifa argued that the leader of KAPA isn’t running away with the member’s money and in fact, the Duterte government is in control of the money.

You may read Noel Landero Sarifa’s full FB post below.

To Our Dearest President,

I dont know if this will get to you or not, but here it goes, Please hear me out, as a voice of 5Million Kapa Members at lahat ng investment scheme investor. Unang una po ay hindi po ako tagapagasalita ng Kapa at hindi naman ako membro o ng ano mang investment company, gusto ko lang ipaabot ang hinaing nila, ng ating mga kababayan. Alam naman natin na ang iyong hangad ay ang kapakanan ng taumbayan. Isa po kayong pangulo na mahigpit na tagapatupad ng batas. Kung may mali man sa ginagawa ng kapa at ibang investment company at hindi ito naaayon sa batas, tama po kayo sundin po natin ang batas. Kung may pagkukulang at pwede naman ayusin, sana isaayos. Hiling ko lang po na wag nyo po sanang hayaan na ang administration ninyo ang maging daan para tuluyang mascam ang mga taong naglaan ng pera. Sa pagkakaalam ko wala naman pong membro ang nagrereklamo. Kung ang inyo po ikinakatakot ay mawala ang pera ng mga taung nag-iinvest, wag nyo pong i-confiscate, hindi po pera ng Kapa yan o ng anomang investment company. Pera po ng taumbayan yan na nagbakasakaling magkaroon ng mas magandang buhay. IBALIK PO NATIN SA KANILA.

Hindi naman ho itinatakbo ng may-ari ng Kapa ang pera, ngaun nasa inyo na po ang control.

Bilang pangulo para sa mahihirap, wag ho nating ipagkait ang pera nila. Kung hindi man maibigay ng gobyerno ang kitang naibibigay ng Kapa, sana naman huwag maging dahilan ang gobyerno ng pagkawala ng kanilang puhunan. Sila po ay biktima. Kung maibabalik ang pera nila, magagamit nila yun sa panibagong panimula. Ang mga nagrereklamo po ba ay ang mga membro ng investment scheme o ang mga organisasyon na threatened kasi wala ng perang pumapasok sa kanila? Alam kung lagi nyo kaming pinakikinggan at sana sa pagkakataong ito ay muli nyong buksan ang puso nyo.

Hindi ho natin masisisi ang mahihirap nating kababayan na gustong makatikim ng kunting kaginhawaan. Kaya kahit alam nilang sugal, may pag-aalinlangan e kumakapit, kasi un ang nagbibigay sa kanila ng pag-asa, ng pinagkakakitaan. Sumugal din po kami sa inyo sa pangako nyong mapaunlad ang ating bansa, tulad ng pagkapit namin sa inyo, kumapit din sila sa pangakong magandang buhay, muli ang mga taong nakapagpundar ay umaasang maibalik sa kanila ang perang pinaghirapan nila. Pakinggan nyo din sana ang mga miyembro, kanilang mga sentimento. Para malaman natin tunay na nangyayari. Hindi ho kami humihingi ng pera sa gobyerno, gusto lang namin maibalik ang perang naipundar nila.

Ang gobyernong inyong inaayos ang nagsadlak sa mga kababayan natin sa Mindanao sa kahirapan, alam po ninyo yan bilang ama ng Davao. Na mas binibigyan ng maraming oportunidad ang kamaynilaan kesa sa mga probinsya. Marami pong nagsasabing malaking tulong ang Kapa sa kanila at ibang investment scheme. Alam ko po na mali ang Ponzi scheme pero di po ba mas mainam po na bigyan natin ng protection ang ating mga kababayan kesa sa itigil natin ang kanilang pinagkakakitaan o kunin ang kanilang pinaghirapang puhunan? Magkaroon sana ng maayos na kasunduan at accountability sa namamahala? Tungkulin po natin bigyan sila ng maayos na opportunidad at protection sa mga nanamantala, at tungkulin din natin bigyan sila ng maayos na pamumuhay hindi dagdag parusa. Ang iba po dyan ay nakasanla ang mga lupain at ibang ari-arian, umutang, ang mga naipon ay naipundar, mga taong ngaun ay hindi mapakali kung paano mababawi ang kanilang puhunan, na imbes ilaan sa hapag kainan ay isinugal para sa mas maayos na buhay. Mga kababayan nating nadedepress sa mga nangyayari at hindi alam kung paano makakabawi.

Marami naman na pong resources ang bansa natin sa fundings sa tulong ng iyong economic team, sinuportahan po ng ating mga kababayan ang iyong mabuting hangarin, naway mapakinggan ninyo ang aming daing na ang pera nila ay maibalik at wag nang kunin.

Maraming Salamat.
In Behalf of All Investment Scheme Investor.
Noel Landero Sarifa

P.S. Sa mga naginvest po, wag po nating gawing tama ang mali kasi kumikita tayo. Itama natin ang mali, gawing legal ang lahat. Kaya nga tayo may mga batas para maprotectionan tayo. Magtiwala tayo sa pangulo na lahat ng ito ay ginagawa para sa ikabubuti ng lahat. Kung legal ang pinasok nyong investment wala po tayong dapat ikabahala, subalit kung illegal handa din po sana tayo sa mga consequence. At the end of the day, sana taumbayan ang panalo.

Your comment?

Add Comment