Seaman’s open letter to Leni Robredo: Sana lang huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo

An open letter addressed to Leni Robredo penned by a seaman named Lacruiser P. Relativo in reaction to the Vice President’s statement in the Boy Abunda interview has been making the rounds on Facebook.

The open letter has generated 7,100+ reactions, a few comments and 2,700+ shares in just 3 hours and counting.

You may now read Relativo’s open letter below.

Open letter to VP Leni Robredo

Napanuod ko ang inyong panayam kay Boy Abunda sa usaping OFW. Gusto nyong maglatag ng programa para sa aming mga seafarers. Dahil nakikita ninyo na mas marami ang nasa mababang posisyon kesa opisyal. Mainam pero may nais lamang po akong sabihin:

Lahat naman kami nagsimula sa pinakamababang posisyon. Proud akong taga segragate ng basura. Taga grasa ng kable. Taga tapon ng foodwaste. Taga katok ng di maubos ubos na kalawang. Tagalinis, mula accommodation hanggang sa bodega. Ginawa namin lahat ng yan para sa pangarap at makatulong sa pamilya. I do not demean my colleagues who are in the lower ranks VP Leni. They all make a good team and family onboard. Para sa akin ang tagumpay ay para sa lahat ng nangangarap mapa-ratings man o opisyal. Tagumpay na maituturing ang maitaguyod mo ang iyong pamilya sa trabahong malinis at marangal.

Sana lang huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo at magamit ang pondong nakalaan para sa amin. Naaalala ko, during oath-taking namin sa Manila Hotel. May bisitang Aquino. Ang laman ng kanyang talumpati ay hindi para sa amin. At kung meron man, ni-isa walang natupad. Wala! Alam namin ang industriyang ito dahil kami ang nasa frontline. Tanging ang pag upo ng Pangulong Duterte nagkaron ng bahagyang pagbabago. Naging 10 years na ang validity ng seaman’s book at passport. Nagkaroon ng bagong gusali at dumami ang branches ng MARINA. Naalis ang mga substandard na training centers. Sa gitna ng pandemya, hindi kami iniwan mula sa pag alis at pag uwi. Nariyan ang pakikipagtulungan ng MARINA at OWWA mula sa airport hanggang makauwi sa aming mga probinsya. At kung kayo man ang ma swerteng mabubunot na uupo sa pagka presidente, unahin nyo ang ang pagtuwid sa mga balikong maritime companies na syang tunay na mapagsamantala sa marinong Pilipino. Idagdag nyo na ang napakamahal at insignificant na trainings. Tanggalin nyo ang lisensya ng mga diagnostic centers na binibigyan ng sakit ang mga marino para lang magkapera. Ilan lamang ito sa maraming bagay na aming pinaglalaban kasama ang pamilyang umaasa sa amin.

Sa huli VP Leni, salamat sa pagbanggit sa amin sa inyong panayam. Hindi namin alam kung matutupad ang binitawang pangako kung sakaling kayo’y maupo, ngunit malaki ang aming paniniwala na magpapatuloy ang magandang nasimulan ng adminitrasyong Duterte at sa susunod na ka alyado nito. Ganon pa man, patuloy ang aming paglalayag hindi lang sa pansariling pangarap ngunit sa tawag ng karagatan. This is the only way to fulfill the grand purpose from the day we were born. So help us God. ✨

Reaction?

Source: Lacruiser P. Relativo

Add Comment