Viral FB post corrects black propaganda of critics “more drugs are intercepted under Duterte admin versus predecessor

Random comments on social media say that it’s PRRD’s fault why more (illegal) drugs are intercepted under his administration despite the intensified war on drugs campaign.

Staunch Duterte supporter named Noel Sarifa joked that indeed its PRRDS’ fault that more drugs are intercepted under the Duterte admin but before you start hating Sarifa, it’s not what you think.

On Facebook, Sarifa said he wrote the FB post especially for critics who complained that more drugs blah, blah and correct the lies they are peddling on social media.

You may read Sarifa’s full FB post now.

Kasalanan Talaga ni Duterte Bakit Dumadami ang Drugs sa Bansa na Naintercept o Naconfiscate ng mga Awtoridad.

Itong post po na ito ay para po doon sa mga taong nagrereklamo na dumadami daw ang drugs sa Pilipinas sa panahon ni President Duterte. Ang reason nila ay ang daming na intercept na drugs sa airport, sa dagat at mga nakuhang drugs sa mga buybust operation. Gusto lang po nating itama yan. Dapat ho ay wag kayo mabahala, bugkos inyong ikatuwa ang mga balitang yan. Ibig sabihin lang po nyan.

– Nagtatrabaho ang ating mga awtoridad at hindi nahahayaang makapasok ang kontrabando sa bansa.
– Nagtatrabaho ang ating mga kapulisan at nahuhuli ang mga supplier at gumagamit ng Droga
– Nakikialam na ang taong bayan dahil nakikiisa sila sa war against drugs, dahil imbes na pagkakitaan ang drogang nakuha sa dagat sinurrender ito sa mga awtoridad.
– Nagiging effective and security natin sa mga entry point ng bansa.
– Ang mga naconfiscate na drugs ay hindi na nakakaabot sa ating mga lansangan at hindi magagamit ng ating mga kababayan at kabataan.,
– Mahina na or wala ng production ng shabu sa loob ng bansa dahil na pasara ang mga 14 drug laboratories kaya halos lahat ng drugs na naintercept ay galing sa labas
– Dahil hindi nakakalusot ang droga dumarami na ang barangay na Drug free, umaabot na sa 11,080 ang bilang.

Mas gugustuhin nyo ba na wala kayong nababalitaan na mga nasawatang mga droga? Mas gugustuhin nyo bang malayang makapagtrade ang mga drug dealers? Wala po akong katibayan pero may mga nakapagsabi ho sa akin na sobrang pasalamat nila kay President Duterte dahil sa lugar nila noon sobrang lantaran ang pagbebenta ng droga, yong ambulance aakalain mo pasyente ang dala, hindi pala, droga pala ang laman at ginagawang delivery vehicle and ambulance. May nagtext din sa akin na matagal na ang ISIS sa Marawi, may shabu lab talaga sila underground at ang mga parokyano nila ay ang mga estudyante mismo ng MSU Marawi, wala tayong nababalitaang ganun pero grabe ang pagkalat ng droga. I can’t claim that this is true pero sobrang lala na ang problema ng droga before na dapat ipagpasalamat natin ang ginagawa ng ating pangulo sa pagliligtas sa atin sa kapahamakan dulot ng illegal na drugs.

Itong mga narco-list, andami pala nila hindi natin alam yan dati, so ibig sabihin ang mga binoboto nyong politician before ang naglulugmok sa bayan nyo sa kapahamakan. Yong Shabu laboratory sa Pampanga na kayang magproduce ng 100kilos a day! Hamakin nyo yun? Wala kayo masyadong nababalitaan dati na pinapasok na drugs kasi nasa loob mismo ng bansa ang pagawaan.

Yong mga nagsasabing binebenta lang ulit ng mga awtoridad ang drugs, maglabas po kayo ng ebidensya, kung meron po kayong kinalaman, isumbong nyo po sa kinauukulan, pwede po kayo magsumbong sa 8888 at itago ang inyong pagkakilanlan. Hindi ho yung sa comment section lang tayo nag-aakusa. Magalit po kayo kapag bumalik sa dati na dumarami ang mga adik at shabu sa bansa at walang ginagawa ang pamahalaan laban dito

Masaya po ako sa ginagawa ng ating pamahalaan sa kaliwa’t kanang laban kontra droga. Saludo po ako sa ating mga kapulisan at mga men in uniform sa pagtatrabaho ng maigi. Isa po itong indication that our children will have a safe and brighter future ahead of us.

Noel Landero Sarifa

You reaction?

Add Comment