According to RJ Nieto aka Thinking Pinoy, Senator Antonio Trillanes IV could easily end all the drama surrounding Proclamation 572, rendering the amnesty granted to him by ex-President Noy Aquino null and void.
Thinking Pinoy said that all Trillanes have to do is to produce the ff.:
[A] Copy of the application form stamped with the text “received”.
[B] Sworn affidavit of admission of guilt stamped with the text “received”.
However, Thinking Pinoy remarked he is puzzled that 36 hours has passed since he was writing the post, Trillanes could not produce the said documents.
On that note, Thinking Pinoy offered four (4) theories to explain Trillanes’ behavior.
[1] non-existent application or sworn affidavit
[2] Lost the application or sworn affidavit
[3] The sworn affidavit was merely a general admission of guilt, which is not acceptable according to the Secretary of Justice Guevarra.
[4] Trillanes may have the necessary papers to prove the amnesty granted to him by Pnoy were in order BUT his LP allies want to exploit the Trillanes telenovela as a springboard to set the stage for a wider propaganda and protest?
Anyway, please read the full post below for a clearer explanation from RJ Nieto aka Thinking Pinoy.
MADALING MAKALUSOT SANA SI TRILLANES PERO BAKIT HINDI NIYA GINAGAWA?
Kahapon ng madaling araw, naisapubliko ang Proclamation 572 na nagsasabing walang bisa mula pa sa umpisa ang nagawad na amnestiya kay Antonio “Sonny” Trillanes IV.
Sa aking palagay, napakasimple naman ng solusyon sa sitwasyon ni Trillanes. Dapat lamang niyang ipakita ang:
[A] Kopya ng application form na may “received” na stamp.
[B] Sworn affidavit of admission of guilt na may “received” na stamp.
Sa kabila nito, 36 oras na ang nakalilipas at wala pang maipakitang dokumento ang senador.
Narito ang mga nakikita kong posibilidad para maipaliwanag ang nangyayari:
[1] Wala talagang aplikasyon o wala ring sworn affidavit
[2] Naiwala ang aplikasyon o ang sworn affidavit
[3] Ang sworn affidavit ay isa lamang general admission of guilt, iyong tipong “ok sige guilty ako”, pero hindi sinasaad ng affidavit kung alin-aling mga krimen siya umaamin ng pagkakasala.
Ayon kasi kay Justice Sec. Guevarra, hindi sapat ang general na admission ng guilt lamang. Kailangan ay aminin niya ang pagkakasala sa mga partikular na kasong sinampa laban sa kanya, tulad ng coup d’etat na nakasampa sa civilian courts, at mutiny na nakasampa sa military courts.
Ngayon, may pang-[4] na posibilidad rin, kung saan kumpleto ang kanyang admission at may application form rin siya, pero sadyang hindi niya ‘to nilalabas upang magamit ng mga Dilaw ang kanyang sitwasyon para sa mas malawakang kilos propaganda.
Pero medyo nalalabuan ako sa ika-apat na posibilidad dahil paulit-ulit na sinasabi na Senador noong araw na hindi siya umamin ng pagkakasala sa kasong coup d’etat.
Samakatuwid, mukang talagang malabo ang ika-[4] na posibilidad.
Abogado na ni Trillanes si Atty. Rey Robles ng Chan-Robles mula pa noong dati kaya’t sa palagay ko ay malabong mangyari ang [1] at [2], dahil napakagaling na abogado ni Atty. Robles at sobrang basic na task ng isang abogado ang recordkeeping.
Samakatuwid, lumilitaw na ang pinakamalamang na dahilan ay ang ika-[3], na depisyente ang ginawang affidavit ni Trillanes, na imbes na isa-isahin niya ang pag-amin ng pagkakasala sa mga kasong nakasampa, isang simpleng general admission lamang ang kanyang ginawa.
Ano ang problema kung hindi niya inisa-isa?
Ang bawat proklamasyon ng amnestiya ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Kongreso. Sa sitwasyon ng amnestiya ni Trillanes, ang pagsang-ayon ay nakasaad sa Concurrent Resolution No. 4 ng Ikalabinlimang Kongreso.
Ayon sa resolusyong ito:
“No application for amnesty shall be given due course without the applicant admitting his guilt or criminal culpability of any or all of the subject incidents in writing as expressed in the application.”
Kinonsulta ko ang mga kaibigan kong abogado at ipinaliwanag nila sa akin na ang talatang ito ang nagsasabing hindi maaaring mabigyan ng amnestiya ang isang aplikante sa kasong hindi niya inamin ang pagkakasala.
Kung hindi inamin ni Trillanes ang pagkakasala sa kasong kudeta, hindi siya maaaring mabigyan ng amnestiya para rito.
Ganito rin ang sinasaad sa Vera v. People (G.R. No. L-18184, https://bit.ly/2Cl58LF) na “amnesty cannot be invoked, where the accused actually denies the commission of the offense charged.”
Sa Tagalog, hindi maigagawad ang amnestiya kung hindi inaamin ng akusado ang pagkakasala sa krimeng nasasaad sa kasong nakasampa.
Ang Vera v. People rin ang kasong nabanggit sa Proclamation 572.
Samakatuwid, kung hindi umamin si Trillanes ng pagkakasala sa kasong kudeta, walang bisa ang naigawad sa kanyang amnestiya mula pa noong simula.
Your thoughts?